Allie
“ Bruha! busy ka?” bungad sa akin ni Shawn and bading kung friend na Nurse sa Imaging Department. May naka wheeled na pasyente sa tabi nya. Nagkataun na nagkita kami sa lobby ng hospital, nanggaling kasi ako sa pharmacy.
“ Hindi naman, why? Naka duty pa ako hanggang 3 p.m. pa, am shift kasi ako” sagot ko sa kanya.
“ Coffee tayo gurl, you know with the tropa after duty. “ sabi nya.
“ Oki sige try ko chat ang iba. Problema mo? “ sabi ko pa sa kanya. Bigla kasi nagyaya kaya napaisip isip ako baka me something.
“Wala, chill lang tayo! Sige later besh busy ang peg. Babush!” paalam pa nya.
”Ok” sabi ko and just shrug my shoulder.
Isa akong Operating Room Nurse dito sa Mercy National Hospital sa Quezon City. Hindi pa naman ganun katagal mula nunh nahire ako. Mag one year palang actually. Matagal tagal din kasi akong hindi nagpractice ng pagiging nurse. After ko kasi magwork sa middle east as a Nurse. Umuwi ako for some personal reason at nagpahinga muna. I put up a small business. Naging oki kasi sya dati kaya di na muna ako ng work. Nag focus sa business. Kasi naman nung nag try ako mag apply yung starting na offer fifteen thousand, helloo naman di kayang mabayaran ang expenses ko. Sa condo palang wala na. Kaya business nalang muna.
Ito na kasi buhay ko ulit ngayun. On going pa din naman ang business ko, me pinagkakatiwalaan lang ako na staff to manage in behalf of me lalo na pag busy at naka duty ako. I'm still monitoring the flow of my business habang bumalik ako sa pagiging nurse. Nakakamiss din kasi at i need this job para ibalik yung tiwala ko sa sarili ko aftter a tragic event happened in my life. Masasabi ko na new life ko na'to after all the pain that i've been through. So far so good, nag eenjoy naman ako kasi ito din talaga ang passion ko kahit sobrang liit ng sahod. Stepping stone lang din naman because i'm planning to apply for US. I passed the NCLEX exam already.
Pabalik na ako nang OR galing pharmacy. Kinuha ko lang yung ni request ko na mga gamot for replacement, para mamaya good to go na ako. Patapos na din ang duty ko. Mostly morning ang schedule ng duty ko this week kaya from 7am to 3pm ako. Mag alas dos na rin naman at me isang oras pa ako na natitira. Di naman kami busy, kunti lang ang elective cases tapos isa ang emergency case. Benign duty lang today. Salamat naman para hindi haggard ang lola nyu.
Habang patay oras kami kasi wala na masyado ginagawa. Prepare nlang for endorsemenrt. Kinuha ko cellphone ko at naisipan kung ichat ang iba para mamaya sa pagkikita kita. Me group chat kami. Ang title ng GC namin ay “ Circle of Trust”. Bakit circle of trust? Kasi we trust each other, sila lang din ang friends ko dito sa Manila, same with them.
Lima kasi kami. Ako na isang nurse. Dylan isang Architect. Shawn same hospital with me, Nurse din sya. Dahil sa kanya kaya ako nag apply sa NMH. Kimberly isang call center agent at Mariel naman isang engr.
Circle of Trust - GC
Typing a message...
Allie: Mga besh kita kits daw mamaya around 5-6pm? Coffee? Reply ang magpapakita.
Mariel Ann: Sorry fwenz di ako pwde. Me lakad kasi ako na so important. Bawi ako!
Dylan: Gora ako!
Kimberly: Count me in!
Dylan: Hoy Mariel! Saan kana naman? Pinagbabawalan ka ba ng jowa mo na yayamanin? Di mo pa sya pinapakilala sa amin ah. Anu yan matandang mayaman?
Mariel: Hindi noh! Wala sya ngayun out of the country. Me lakad lang talaga. Catch up with you guys soon me sasabihin din kasi ako sa personal.
Kimberly: Anu yan? Buntis kana?
Mariel: Basta kitakits one of this days.
Shawn: @Mariel Oy bruha natikman muna ang langit? Anu masharap or mashaket?
Mariel: @ Shawn hayst ewan ko sayu!hmp!
Bella: oyst! tama na yan out na ako. Kita kits sa The Peak. Kunin ko lang sasakyan ko di ko kasi dala. Daanan nalang kita @Shawn.
Ang kukulit talaga minsan. Pag di mo pinutol hahaba ang usapan.
Nag out na ako sa gc. Tama lang prepare na for endorsement.
After endorsement lumabas na ako ng OR na naka scrub suit. Dapat mag change ako into our uniform kasi aside sa bawal ayoko naka scrub suit pag nasa public places. Kaso tinatamad akong magbihis ngayun . Uuwi muna ako at kunin ko ang sasakyan ko. Malapit lang naman ang condo ko sa Hospital kaya isang sakay lang and no traffic, tipid pa. After time out deretso uwi muna.
Pagka akyat ko sa unit ko. Di na ako ng bihis, still wearing mg maroon scrub suit and white nike running shoes. I tie my hair into a messy bun and do some retouch, kunting powder kasi di ako nag mamake up, lip tint will do and sprayed some perfume. I just wear my apple watch, iphone and my credit card. I have some cash sa sasakyan naman, kunting barya. Im good to go na. Bumaba na ako sa 6th floor andun kasi ang parking.
I texted shawn, “Besh! I'm on my way. Be ready oki? Sa kanto nalang, di na ako papasok.“ I drive my Nissan Juke color (grey and orange combination).
"Oki beshy! "Punta na ako dun. Sagot nya.
I met them way back 2016 sa "The Feast " am session ni Bro. Bo Sanchez sa PICC Plenary Hall. Kagroup ko sila during group sharing. Si Mariel, my bestfriend naging katabi ko sa upuan.
Flashback
PICC Plenary Hall
Sunday morning i attended The Feast.
“Excuse me? Taken na po ba ang upuan na to? I asked.
"Vacant sya, pwde ka.umupo.“ sagot ng nakaupo sa next seat.
“Thank you “, I smiled at her.
I was nervous that time kasi first time ko.
Nagsimula na yung mass then sumunod ay ang preaching ni Bro Bo Sanchez and then comes the last part was the worship kung saan maiiyak ka talaga.
Akala ko after nun uuwi na, di pa pala kasi pag first timer ka di ka muna pwde umuwi. Punta ka sa labas me designated area para sa mga first timer and they will group themselves into group with 5-6 members, depende sa dami. Dito kami ngkakilala. Kagroup kasi kami. Me binigay ang staff na Novena to God’s Love booklet na super liit na isusulat mo ang mga dreams mo. Tapos mgpapakilala bawat isa. Nakilala ko sila at reason nila why they attended the feast.
Yung kanina pla na katabi ko ng upuan ay si Mariel. Kagroup ko sya ngayun.
“ I’m Mariel. I attended the feast dahil sa kakilala ko na nag recommend. The feeling was good and me problem kasi kami sa bahay and I have no other way out para sa mga hinanakit ko kaya i tried it here. Masarap pala yung feeling. Tapos me makilala ka ba pwede mo maging kaibigan.” She said.
“ I’m shawn, me nagsabi lang din sa akin about dito. Same as Mariel this is a play para mabago mo ang pgkatao mo. He said.
“ I’m Dylan, same din ngka problema kasi ako. Kaya gusto ko nang new environment na mg encouage sa akin na I need to fight kasi andyan sya parati at nakikinig. “ sabi pa nya.
“ Im kimberly but you can call me kim, nawalan kasi ako ng work. Jobless ako kaya para mabusy ginawa ko ito na maging part ng routine ko at baka dito I will receive new blessings.” Kwento nya.
“ Hi, Im Bella Alliena. A friend suggested the Feast kasi while attending here nagka baby sila nang hubby nya. Kaya ako din i'm hoping na magka baby kami ng hubby ko, i'm married by the way." sabi ko. Yun lang sinabi ko kasi di ako comfortable na sabihin ang other prob ko.
Simula nun naging routine ko na ang mag attend ng the Feast. Lalo na nung nagkaroon na naman kami ng problema ng asawa ko. Yes, I was married before, for f*****g 8 years. I became a martyr with my cheater of a husband. Pag nahuhuli ko sya na me mga kachat or nambabae again. Simbahan ang takbuhan ko. Hindi ako yung tipo ng asawa na ipopost sa social media at mag rant about sa asawa ko. Hindi rin ako yung tipo na mag memessage at ipagsasabi sa mga friends ko. Minsan sinasarili ko nlang. Pupunta g simbahan at dun iiyak at magdarasal. I am a very strong believer of God. Dati napapanood ko lang si Bro Bo Sanchez sa tv every Sunday. Nung nakilala ko yung isa king reseller at sinabi nya sa akin mag attend ako. I attended religiously every Sunday. Sarap ng feeling. Kasi nagkaroon ako ng purpose in life. Me mga nakilala pa ako na mga friends. Minsan pag nauwi ang hubby ko sinasama ko sya but minsan ayaw nya kasi mahaba daw nababagot sya. Kaya pag andito sya sa Pinas minsan di ako nakakapag attend. Gusto ko pa naman sya pag andun, para naman magtino na sya.
After every mass and preaching, here comes the last part, the sharing at ngshare kami ng mga problems, learnings at iba pa hanggang sa nakilala na namin ang isat isa, we exchange numbers. Our friendship started. Mostly ng mga problem nashare din namin. Naging isa kami na pamilya. Hindj lang mgkakaibigan. Naging magkarama. Pinagtibay nang panahon.
End of Flashback
This past few months, we seldom see each other. We communicate most of the time via f*******: and IG. Mga busy na din kasi sa work at minsan busy sila sa jowa. Ako nan simula naghiwalay kami ng asawa ko 2 years ago, nabusy na din ako, sa work, sa business at sa anak ko.
By the way God granted us a baby. Kaya I have a handsome 3 y.o son. A miracle baby and he is my everything. Kaya ako nagsusumikap. Nagtatrabaho ako as Nurse. Nagnenegosyo pa rin kasi nasa sistema ko na yun. I have a shop in Divisoria me mga tauhan ako, malakas kami sa online selling. Nagbabake din ako. Need ko kumita ng malaki kasi after my ex husband and I got separated, yung mga nainvest ko like yung house and lot namin na 45 thousand ang monthly dun ko kinukuha. Yung condo unit , ok na kasi napag usapan na namin. Ginawan namin ng kasulatan. Nagbibigay naman ng sustento ang ex hubby ko para sa anak namin. Kasi nga gusto pa nya mabuo ulit kami. Pero ako sumuko na. Balik na sa realidad.
Dito na pla ako. Nakikita ko na si Shawn sa gilid.
Beep beep!
“Hop in Beshy!” Sabi ko. Sumakay naman sya sa front seat.
“Gosh Beshy! Nakita ko kanina Si Doc Allen! Nakoo !! talaga naman, sarap talaga papakin! Yumming yummy talaga beshy. Makalaglag victoria secret panty! Tili ni Shawn. Natatawa nalang ako.
Dr. Allen Smith - a hunky, yummy and pogi na Surgeon ng MNH. Lahat ata me crush sa kanya. Lahat napapa tulala pag nakikita sya. Makalaglag panty daw ang kagwapuhan. Oo gwapo sya but di ko sya type kaya di ako natutulala. Sa OR casual lang kami. Madalas akong mag scrub sa mga operation nya. Actually minsan nirerequest nya. Ako lang ata ang hindi natatameme sa kanya during procedure na sya ang surgeon, kaya smooth ang tandem namin. Walang kemi. Kaya minsan naman tinutukso nila ako, baka daw crush ako ni Doc. Mga loka loka.
Hindi naman ako pangit. Aminado naman ako, kaso di ako katangkaran. Nasa 5’2 lang ako. Fair skin. Yun lang kasi para daw akong hindi Pinay kasi sa mata ko na parang sa mahahalintukad sa mga bombay, malaki na mata with mahaba na pilikmata at matangos ang aking ilong at mabalahibo din ako. Malaki daw balakang ko na me maliit na beywang. Kasi naman nanganak na ako, but sabi nila parang di daw halata. Pati sa edad ko minsan di sila naniniwala na 33 y.o na ako. Kala nila nasa twenties plang ako. Hindi naman ganun kalaki ang hinaharap ko but pwede na. Ang asset ko ay ang aking mga mata ko na color brown at ang aking killer smile. Lahat nang tao nakakakita sa akin first impression nila is maldita daw ako. Kasi mataray nga naman ang mukha ko. Pag nakilala na nila ako, dun nagbabago at di ako marunong magalit at pala ngiti din ako minsan kahit na super pagod ang duty, todo smile pa din.
After 15 minutes nakarating na kami sa aming tambayan. Pinauna ko na si Shawn kasi magpapark pa ako. Baka andun na Si Daylan at Kim sa taas.
Nasa "The Peak" kami ngayun. Isang sikat na resto at tamabayan nang mga mamayaman na student, businessmen at mga empleyadong tulad namin na nakikitambay. Madalas kami dito kasi tahimik. Lalo na sa rooftop ka makakuha ng pwesto. Kita ang buong quezon city. Nakakawala ng stress.
Napark ko na yung sasakyan ko. Sakto pagka baba ko napahinto muna ako saglit.
"Wow! Just wow!"
Katabi lang naman ng sasakyan ko ang isang Ferrari na sports car, na color golden yellow ata to, i'm not sure about the color. Im not a fan of yellow color. Hate ko nga ang yellow. Kasi ayoko sa mga dilawan. hehe! This one is an exception. So cool! Ganda ng kulay.
Sana kasing gwapo ng sasakyan nya ang me ari, kasi naman minsan sasakyan lang ang gawpo. Asan ang hustesya diba?
Naglakad na ako papasok at umakyat. Nagtext kasi si Shawn na nasa taas na daw sila. Ako nalang daw ang kulang. Nag order na din sila. I texted them na sila na mag order for me at libre ko na. Malaki naman kinita ko sa orders ko sa mga cakes. Treat ko na kasi alam ko me problema si Shawn. Di kasi yun mag aaya na tumambay if wala syang problema. Knowing him.
Pag akyat ko sa roof top. Inikot ko muna mga mata and survey the area. Hinanap ko saan sila banda. Nakita ko si Dylan kumakaway sa akin at sumigaw sa pangalan ko.
“Allie, here! “ sigaw nya.
Napangiti ako at ihahakbang ko na sana mga paa ko but bigla ako napatigil dahil sa katabi na upuan namin me gropo ng apat na naggagwapuhan na kalalakihan. Ang dalawa naka tayo at ang dalawa naka upo, but my sight is glued to that two beautiful piercing eyes, looking directly at me. It sends shiver down my spine. Medyo nagwala din ang puso ko. s**t! Nagpapalpatate ata ako at parang familiar, parang nakita ko na sya. Those eyes, ilang minuto muna kami ngtitigan at nastatwa pa ako. Nagisiing lang ako sa aking imahinasyon nang sumigaw si Shawn.
“Hoy bruha! Anumg arte yan? Me pa slow mo kapang nalalaman? Lika na, malamig na kape mo. Sabi nya at sabay tawa ng malakas. Sarap batukan.
Napahakbang ako at nakipag beso beso sa kanila pagkatapat ko sa upuan namin.
“ Miss you guys!” sabay kiss sa cheeks ni Kim at Dylan.
“Anu girl?! Parang namulto ka jan. Me nakita ka ba na di kanais nais? Salubong ulit sa akin ni Shawn.
Nagkibit balikat nalang ako sabay sabi na. “ Wala, me naalala lang ako.”
Pagsisinungaling ko. Gustuhin ko man na
lumingon sa kanang banda namin parang di maganda kasi nafefeel ko na me nakatitig sa akin.
Ilang minuto lang na kunting kwentuhan. Napalingon ako sa me right side namin, kasi itong si Shawn biglang, “ Hi Doc! ikaw pala yan. Nice to see you here!" Tiningnan lang sya ni Doc Allen.
Ako naman biglang napatitig ki Doc Allen, lalo na nung sinabi nya na.
“ Nice to see you here Bella, still wearing scrubs?”
Napatingin tuloy ako sa suot na scrub suit. Shitty! Kainis naman, dapat pala nagbihis nalang ako.
I just make a peace sign at sabay sabi. "Nagmamadali Doc, no time for change outfit."
Then i give him my sweetest smile. He chuckled. Pagkatapos nabaling yung tingin ko sa katabi nya na nakatitig na naman sa akin. Kanina pa sya ha. He even smirk at me. Sinu ba to?