Mirasol, how are you?" nakangiting bati ni Marco. May dala pa itong mga bulaklak at cheesecake. "Why are you here? Kaibigan ba kita?!" Singhal niya dito habang inaabangan ang susunod na papasok sa pinto. Naalala din niya ang ginawa nitong paghalik sa kanya, na muntik niyang tugunin. Nahihiya siya sa sarili dahil doon. "Hey hey! Siyempre naman noh! you're my friend na din. Diba friend ko si Brix at Gil na bf ng bff mo? Edi friend na din kita. By the way, are you expecting someone? " walang anumang sabi nito at kampanteng umupo sa silyang katabi ng kama ni Mirasol pagkatapos ilagay sa mesa ang cake at inilapag sa kama ang bouquet. Napansin kasi nitong tingin ng tingin sa dako ng pinto si Mira. Parang may hinihintay na bumungad. "Wala. I never consider you as my friend. Besides, hindi p

