Sa malalaking mga hakbang ay bumalik si Raven sa master's bedroom; umasang may sagot na makuha roon tungkol sa kinaroonan ni Gazi. Sa muli niyang pagbalik doon ay muli niyang napansin ang nakabukas na laptop. Salubong ang mga kilay na lumapit siya roon at sinulyapan kung ano ang nasa screen. Nakabukas ang isang email sa internet browser pero hindi niya iyon binigyang pansin. He swiped the tracker to the right direction and that's when a video emerge on the screen. Kaya pala nanatiling bukas ang laptop ay dahil may video na naka-play. At wala siyang narinig na tunog dahil may naka-kabit pang headset doon. Nanalo ang kuryusidad; tinanggal niya ang headset upang mapakinggan kung ano ang nasa video. Hindi niya masabi kung ano ang naroon dahil maliban sa nakatutok ang lense sa damuhan

