Hera’s POV Ayoko ko ng gumala malapit sa BlueWhite Coffee Shop. Nakakatrauma, real talk. It’s been three weeks today from the time noong nakita ko si Eros accidentally kasama ng kaniyang -- wala akong pakialam. “Hera, kapatid mo Eros. Nasisiraan ka na ba ng ulo?” bulong ko sa sarili sa harap ng salamin. “Mali 'yang ginagawa mo. Mali 'yang nararamdaman mo.” “Simula ngayon, hindi na ako maaapektuhan. Simula ngayon, mas itatatak ko pa sa isip ko na kapatid ko siya.” Dagdag ko pa. Well I must say, mas naging okay na ako ngayon unlike weeks ago. Kailangan ko na nga sigurong kausapin at paalalahanan ang sarili ko ng mas madalas -- to keep me sane and remind me if what is the right thing to do. “Mom, where’s dad?” “Nako nasa office pa iha, nauna lang ako pumunta dito sa condo mo para mag

