Hera’s POV
Langoy dito langoy doon, iyan ang ginawa ko. Halos makalimutan ko na nga na may kasama ako dahil sa sobrang enjoy ko sa tubig. Kahit papaano rin ay gumaan na ang pakiramdam ko.
What a beautiful God work, napakaganda naman ng lugar. Napakalinaw ng tubig dagat at napakapino ng buhangin. May kalayuan nga lang dahil sa kabilang bayan pa ang magnificent place na ito.
Kung sa US madalang ako mag-beach, pwes dito baka every week na ako. Sana nga lang ay may sumama sa akin para ihatid o damayan man lang ako sa trip ko.
Nakakahiya man pero suot ko ang kulay black na v-neck shirt ni Eros. Nagmukha itong dress sa akin dahil sa super laki nito. Pwede kaya ’tong maarbor?
“Hera!” sigaw niya sa’kin.
“Why?” sigaw ko rin na tanong ko habang naglalakad papalapit sa kaniya.
“Hindi ka pa ba napapagod? Isang oras ka na atang lumalangoy.”
“Hmmm, medyo. Bakit ba, gusto mo na ba umuwi?” malungkot kong saad sa kaniya.
“Ngayon ka lang ba uli nakaligo ng dagat Hera?”
“Sadly yes Eros. Hindi ko na nga matandaan ang huling beach moment ko eh.”
“Gusto mo kunan kita ng litrato pang-i********: mo?”
“What? i********:? Hindi ako mahilig sa ganiyan. Siguro kumuha ng video, okay pa. Ano lahat ng bagay shini-share? Hahaha, I’m not that type of person.”
“Ahh. O sige na lumangoy ka na uli, basta kapag tinawag kita lumapit ka kaagad ha.”
“Opo boss Eros.”
“Ano sabi mo?”
“Wala.”
“Hera -- “
“Lalangoy nako -- “
“Wait sasamahan kita maglakad pabalik sa tubig.”
Woah. Nakakaramdam na naman ako ng maraming paruparo sa tiyan ko!
“O sige dito lang ako uupo, lumangoy ka na.”
Nakaka-awkward naman lumangoy, mas malapit na kasi siya sa tubig hindi katulad kanina na malayo siya. Nakakailang!
“Hmm, ayaw mo ko samahan lumangoy?”
“Gusto ko, kaya lang medyo pagod ako kanina.”
“Oh bakit mo pa ako sinamahan dito pala?” pagtataka ko.
Tinitigan niya muna ako sandali.
“Wala, sige na lumangoy ka na uli. Huwag na masyado pumunta sa malalim ha. Sige, nakikita mo ’yang lumulutang na tali? Hanggang doon ka lang pwede.”
“Okay boss.”
“Hera -- “
“Ano?”
“Hindi ako bossy, gusto ko lang safe ka.”
“Sabi ko nga, why are you explaining?”
Habang nakikipagtalo sa lalaking ’to, napansin namin ang kulay asul na bangka. Mukhang galing pa sa pangingisda si manong.
“O Eros! Ngayon ka lang yata uli napadpad sa lugar na ’to!’’
“Kumusta mang Rolando! Nako, busing-busy na po kasi lagi kaya napakabihira na po akong magpahangin dito.”
“Gano’n ba, nako Eros. Napakaganda naman ng girlfriend mo. Kahit malaki sa kaniya ang t-shirt mo, ang galing pa rin niya magdala.”
Pansamantalang huminto ang paghinga ko sa narinig. Ano kaya ang isasagot niya!
Hala ngumiti lang siya? Bakit? Kinagat niya sandali ang labi niya na halos kinabaliw ko ng saglit!
“O manong saan ka na niyan?”
“Uuwi na at may panghapunan na. Teka, baka gusto mo ng bangus o alimango? Marami ako dito, baka gusto niyo rin panghapunan.”
“Nako maraming salamat manong pero iuwi niyo na lang po ’yan. Tiyak matutuwa si aling Cely kapag nakita niya ’yang mga nahuli niyo.”
“O sige una na ako sa inyong dalawa ha. Eros huwag mo akong kalimutang imbitahan sa kasal niyo. Mag-iingat kayo pauwi!” masayang pamamaalam niya at umalis na.
Hindi ko alam pero nakakakilig! So mukha kaming mag-jowa together?
“Boss, bakit hindi mo sinabi na hindi mo naman ako girlfriend?”
“Eh ikaw? Bakit hindi mo sinabi na hindi mo naman ako boyfriend?”
Real talk ako doon ha!
“Hera, huwag mo nga ako tawagin na boss.”
“At kung hindi kita sundin?”
“Hindi na kita isasama o sasamahan dito.”
Awww. Masyado naman seryoso ’to, joke lang eh.
“O, lalangoy na ako uli.”
“No, nagbago na isip ko Hera.”
“Huh?”
“Umupo ka na at magpatuyo. Mahaba pa naman ’yang buhok mo.” Saad niya. Yes, mahaba talaga ang buhok ko, nasa baywang ko na ang length. Never in my life na magpapa-ikli ako ng buhok. I’ll never do that!
“Okay.” Malungkot kong usal sa kaniya.
“Ikaw na umubos ng pande coco at juice, busog na ko eh.” Pagyayaya niya.
“Ahh sige, maya-maya na lang siguro, busog pa talaga ako sa chico eh.”
“Ilang kilo ba naman ng chico Hera? Babae ka ba talaga?” pangangasar niya.
Tiningnan ko lang siya ng ngumuso sa kaniya.
“Halika dito sa harap ko, punasan ko buhok mo.” Pagyayaya niya.
WHAT? Nabibingi ba ako na ewan? Oh my nakakakilig mamsh! Pero control bawal pahalata! Pakipot muna me. HAHAHA!
“Huwag na, matutuyo rin itong buhok ko.” Pabebe kong sambit sa kaniya.
Nagulat na lang ako nang siya na mismo ang pumunta sa likuran ko, what the. Namumula ang mga pisngi ko dahil sa ginawa niya pero thanks God, nasa likod ko na siya.
“You’re headstrong, you know?” saad niya habang pinupunasan ang napakahaba kong buhok.
“Gusto mo rin ubuhin eh no.” Teka sinesermunan ba niya ako? Pero want ko ang sermon niya, sermong nakakakilig!
“Oh ayan, napunasan ko na.” Saad niya at tumabi na sa akin.
“Boss -- I mean Eros. Madalas ka ba dito?”
“Napakabihira lang.”
“Mag-isa ka lang?”
“Bakit?”
“Wala lang.”
“Dahil sa sinabi ni manong na girlfriend kita, na bo-bother ka ba Hera?”
“Hmm, a little bit?”
“Well, dito ako nagpapahangin kapag super stress ang araw ko. Ikaw pa lang ang naisasama ko dito.”
It feels something -- unexplainable. Something special.
Inilabas ako ang aking ipod at headset.
“What a beautiful sunset. Mas maganda ’to kung makikinig tayo ng music. Anong gusto mong kanta Eros?”
“I like you.”
“W-wala naman akong gano’ng kanta eh. B-bahala ka, a-ako na nga lang pipili.”
Mga ilang minuto rin kaming tahimik lang na nakikinig sa music, sa mga alon ng dagat -- at pati sa puso ko na kanina pa nagwawala sa kaloob-looban ko.
“Napakaganda talaga ng sunset, Eros.”
“Same as you. Tara na, tumayo ka na diyan.”
Nakakatigil ng heartbeat ang mga sinasabi niya ngayong araw!
Pumasok na kami sa loob ng kotse at bumyahe na pauwi. Malapit na rin kasing dumilim ang langit.
“Can we do this often, Eros?”
“Oo naman kahit araw-araw pa, makita ko lang ang mga ngiti mo na ganiyan kasaya.”
Kung kanina para akong namatayan dahil sa sobrang lungkot because of Max, well not know anymore. Napakasaya ko na ngayon pauwi sa mansyon. Super gumaan ang pakiramdam ko because of the chico, the sea -- and si Eros?