WARNING! THIS CHAPTER CONTAINS MATURE SCENES. Please proceed to the next chapter if you’re still not in legal age and not an open minded reader. Read at your own risk. YOU ARE WARNED! --------------------------------------- Hera’s POV Pumwesto na ang lahat ng camera man maging ang mga staff sa paligid namin. ’’Light, camera, action!’’ malakas na sigaw ng director. Lumakad na ako ng dahan-dahan kasama ni Eros sa gitnang bahagi ng simbahan. Kinikilig ako dahil sa nakahawak ang kaliwang kamay niya sa aking baywang. Sa hindi inaasahan, biglang lumapit sa amin si mommy dahil -- ’’CUT! Mrs. Villanoza, bakit kayo lumapit sa mga actors!’’ sigaw ng director sa mikropono. ’’Direk bakit nakahawak ang kamay ni Eros sa baywang ng anak ko!’’ lumapit naman ang isa sa staff at kinausap si mommy.

