Eros POV Napakasaklap ng naging nakaraan ko. Alam kong kasalanan 'to, pero 'di ko naiwasang hindi itanong at isisi lagi sa bathala, kung ba't ko naranasan ang napakatinding pagdurusa -- almost six years ago. Sobra akong nasaktan sa pagkamatay ni Jemma, ang aking bukod tanging kababata. Ni hindi ko man lang siya naabutan sa huling lamay niya, kaya sa libingan ko na lang siya naabutan. Sobra akong na-guilty, sa akin siya hinabilin ng itay niya pero wala akong nagawa, lalo na sa panahon na kailangang kailangan niya ng tulong ko. Paano naman kasi, kay Hera na. Kay Hera na umikot ang mundo ko -- noong mga panahon na 'yon. Hinding hindi ko rin malilimutan noong pumunta ako sa bukid pagkatapos ng pagkamatay ni Jemma. Mula sa malayo, nakita ko si itay na nagkakape sa labas ng kubo kasama ni ina

