Eros POV Hindi biro ang mga araw na nagdaan sa akin. Dumating na sa punto ng buhay ko na kaaway ko na mismo ang aking sarili -- nagtatalo ang puso at isip. Hindi ko na kayang tiisin si Hera, pero sa tuwing naaalala ko ang ex niya, lalo na ang bago ko na nalaman, bigla na lang akong namanhid. Siguro ay tanggap niya na rin na tapos na kami dahil tumigil na rin siyang mag-text at tumawag sa akin. Magkaniya-kaniya na lang kami siguro ngayon. “Done.” Sambit ng kaklase ko habang kasamang gumagawa ng project dito sa library. “Just send me the format via email and mag-save ka rin sa flash drive mo.” “Woah don’t talk vernacular, someone might hear you Eros.” “Sus, tayo lang naman dito.” “Hahaha, okay. Don’t worry I got it. Anyway I’m going to attend my class in History now, are you really oka

