Eros POV Wala talagang sikretong hindi nabubunyag. Iba talaga ang tadhana kung makipaglaro minsan eh. Sa iba oo, minsan lang. Pero sa akin, kotang kota na, buong buhay ko na nga ata akong pinaglalaruan. Pero ngayon, nalantad na ang buong katotohanan, kailangan ko ng magpaliwanag sa kaniya, humingi ng tawad sa nakaraang nakalipas na. Dinala ko si Hera sa tabing dagat, kung saan ko siya iginala dati noong bago pa lang siya dito sa La Clarmen. Ala singko ng hapon kami pumunta dito, sakto sa apat na oras na German tutor ni Lia. Umupo kami sa dulong bahagi, malapit na malapit kung saan naaabutan na ang mga paa namin sa alon ng dagat. “Hera -- “ “Una kong tanong Eros. Bakit ka nagsinungaling sa akin na si Jemma ang ina ni Lia? Sabihin mo na sa akin kaagad ang dahilan. Huwag ka ng magpaligo

