Hera's POV Sakto alasais ng gabi ay nakarating na kami sa mansyon. Napakagaan na rin ng pakiramdam ko dahil sa pagsama sa akin ni Jasper. Nakahanap ako ng taong makakaintindi sa 'kin, na alam kong kakampi ko kahit ano pa ang mangyari. “Hera, pupunta pa pala ako sa malaking kubo.” “Ha? Dapat pala dumaan na lang muna tayo doon bago umuwi. Gabi na eh, pero sige -- ikaw bahala.” Dahan-dahan na akong bumaba sa kotse. “Jas, thank you so much this day. I owe you again.” “No problem Hera Amity, I got you. Good night.” Pumasok na ako sa bahay ng maluwag ang damdamin -- at may mas matatag na puso. “Magandang gabi Hera, nakahanda na po ang hapunan.” “O thank you manang, pero nag-dinner na kasi kami ni Jasper. Thank you na lang po.” “Ahh, sige po. Siya nga po pala, tumawag po dito si Do

