Hera’s POV “Eros where are you na ba.” Bulong sa sarili habang matiyagang nakatayo sa balcony hawak-hawak ang aking cellphone. Bakit gano'n? Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko, bakit parang may nararamdaman akong kakaibang kaba. Parang may something na mangyayari! Nako nakakainis naman 'tong si Eros. Ang tagal-tagal naman niya! Saan na naman kaya 'yon siya nagsususuot? Text ako ng text kanina pero hindi naman siya nag-re-reply. Eh pagod na ako maghintay, hindi ako nakatiis, kaya tinawagan ko na. “Ay sige sige po, pauwi na. Palobat na rin po kasi ako.” Thankfully, buti na lang at sinagot niya na rin ang tawag at on the way na raw siya rito sa mansyon. Iyan ang sagot niya kanina sa'kin, ang weird lang kasi iba ang tono ng pananalita niya at super galang naman niyang sumagot. Oh

