Eros POV Earlier bago ko kanina nakita si Jasper sa tubuhan...... Ang ganda na sana ng umaga ko dahil sa date namin kahapon ni Hera. At hindi lang ’yon, matataas din ang grades namin nitong exam kaya nag-celebrate talaga kami. Kaya lang, biglang sumama ang hangin. Nakakasira lang ng araw. Papunta ako sa kabilang bayan kasama si manong Oscar na isa rin sa mga tauhan dito. Maghahatid kami ng ibang mga prutas na kasama si Jemma. Magka-conduct daw kasi siya ng interview para sa thesis project niya. “Jemma, sa kabila ka na ng sasakyan sumakay. May dadaanan pa kasi ako.” Tugon ko sa kaniya. “Bakit? Saan ka naman pupunta?” kunot noo niyang tanong at pagtataka. “May dadaanan nga lang.” “Edi sasama ako -- “ “Eros, isabay mo na muna siya. Butas ang gulong ng sasakyan ko, papalitan ko pa.

