"Margaux!" nagtitimping tawag ni Mellie at nilakasan ang katok. Nang tumayo si Margaux sa hapag kanina ay binalak niya agad itong sundan para komprontahin. Hindi nga lang niya nagawa dahil kinausap sila nang masinsinan ng magasawa tungkol sa sitwasyon nila ni Winston. But they assure them that they were okay and they were taking everything slowly. Sa huli ay nakuntento naman ang dalawang matanda. Nang makakuha ng tyempo ay agad pinuntahan ni Mellie si Margaux. Naiinis na siya dahil minuto na ang lumipas ay hindi pa rin ito lumalabas. Malapit na ring manakit ang mga kamao niya kakakatok. "Ano ba?" bungad na angil ni Margaux. Namumula ang tainga nito at mukhang wala sa mood. But that doesn't stop Mellie. Buong tapang niyang hinarap si Margaux. "Ano na naman itong gusto mong palabasin? Bak

