THE OUTSIDER

919 Words
"MAGPAHINGA NA ho kayo." malumanay na pakiusap ni Mellie Lopez kay Margie. Hindi niya ito tunay na ina. Hindi rin siya totoong Lopez. Anak siya ng dating mayordoma ng mga ito at in-adopt lang siya noong mamatay ang tunay niyang ina. Ayon sa ina niyang si Marcia, nabuntis lang ito ng dating driver ng mga Lopez. Nang malaman ang kalagayan ng ina ay nag-AWOL ang driver at hindi na nagpakita pa. Naging mabuti ang magasawang Lopez kaya kahit buntis si Marcia ay pinatira at pinagtrabaho ito roon hanggang manganak. Sa mansion na nagkaisip si Mellie. Ang mga Lopez ang nagpaaral sa kaya. Dahil aware si Mellie sa kabutihan ng mga amo ay naging mabait siya. Nagaral siyang mabuti hanggang sa dapuan ng sakit ang ina at namatay. Dahil sa awa ng mga Lopez ay inampon siya ng magasawa sa edad na kinse. Tuwang-tuwa naman si Margaux—ang nagiisang anak ng mga Lopez. Kaedad ito ni Mellie. Sa ngayon ay pareho silang twenty nine years old. Mabait si Margaux. Hindi rin mapagmataas kagaya ng mga kaklase nitong anak mayaman. Ipinagtatanggol din siya nito sa mga bumu-bully sa kanya dahil isa siyang ampon. "No. Hihintayin ko si Margaux." malumanay pero determinadong sagot ng matanda. Sabay na napabuntong hininga sina Mellie at Mauro—ang asawa ni Margie. Hindi tuloy makasagot si Mellie para magpaliwanag. Alam niyang oras na malaman nito ang totoo ay sasama lang ang loob ni Margie. Baka makasama pa iyon sa kalagayan nito. Katatapos lang nitong maoperahan sa puso. Nagkaroon ng bara iyon. Bago pa iyon ay noperahan din ito dahil nagkaroon ng kidney transplant. She's not really in a good condition to hear the bad news about her daughter. "Gigisingin ka namin kapag dumating siya. Come on, honey. You needed to rest." lambing ni Mauro. Dahil sa epekto ng mga gamot ay hindi na rin magawang umangal ni Margie. Nakatulog ito. Hinang napaupo na lang si Mauro sa tabi ng asawa at nasapo ang mukha. Very hands-on ito sa pagaalaga sa asawa. Wala itong tigil sa pagbababantay sa ospital. Ni ayaw nitong umuwi. Dinadalhan na lang ito ng gamit ni Mellie. "God... hindi na nagtino ang anak namin..." desperadong reklamo ni Mauro. Napayuko si Mellie. Lalo siyang nakaramdam ng guilt. Alam niyang malaki ang partisipasyon niya kung bakit nagpapakasira ngayon si Margaux. Hindi pa alam ni Margie kung ano ang pinaggagagawa ni Margaux sa Las Vegas. Ang buong akala nila ay nag-e-enjoy itong nagka-casino roon pero mayroong nakapagsumbong kay Mellie na naloloko ang anak sa group s*x at drugs. Dahil doon ay bumuo ng solidong desisyon si Mellie. Sinabi niya iyon kay Mauro at nagpaalam na pupuntahan si Margaux. Sinundan niya ito two months ago. Nahanap naman niya ito pero hindi rin sila nakapagusap ng maayos dahil napakarami nitong lakad. Sa totoo lang ay para siyang asong bubuntot-buntot dito. Ayaw din siyang harapin ng maayos. Alam ni Mellie na gumaganti ito at hinahayaan lang niya. Malaki ang kasalanan ni Mellie dito at aware siya na napakahirap na silang magkaayos. Dahil hindi na niya mahagilap si Margaux at kinailangan na rin siyang magtrabaho ay umuwi na siya ng Pilipinas. Nitong huling Linggo ay kinailangang ma-operahan ni Margie. Nagpadala na siya ng message kay Margaux tungkol sa nangyari sa ina pero hindi pa rin ito nagpaparamdam. Naawa tuloy siya sa matanda. Gustong-gusto nitong makita si Margaux pero mukhang walang pakialam ang anak. Napabuntong hininga na lang si Mellie ng maalala ang mga nangyari sa Las Vegas noon. Pabalang kung sumagot si Margaux. Wala na talaga ang babaeng kapatid ang turing sa kanya. Oh her heart broke for them. Kasalanan niya ang lahat ng iyon... "I-I'm sorry..." nahihiyang anas ni Mellie. Natigilan si Mauro hanggang sa napabuntong hininga at umiling. "I know. Don't blame yourself." simple nitong sagot. Gayunman, bakas ang lungkot sa boses nito. Hindi siya sinumbatan ng mag-asawang Lopez dahil sa nangyaring masama noon kay Margaux ng dahil sa kanya. Ten years ago, something really bad happened. Dahilan kung bakit nagkakaganoon si Margaux. Bumigat ang dibdib ni Mellie nang maalala ang lahat. Ipinilig niya ang ulo para mapigilan ang sariling maiyak. Dahil doon ay lalo siyang nahihiya sa mga ito. Napakalaking kahihiyan ang dinala niya sa pamilya ni Margaux. Pero iyon ang ginamit na motivation ni Mellie. Nangako siya sa sarili na hinding-hindi na magbibigay pa ng kahihiyan. She worked her ass off and proved to everyone that she deserved to be in her position now. At the age of twenty nine, she was the VP for Finance now. Her hard work and determination made her a star. Sa MMM Communications siya nagtrabaho matapos maka-graduate ng Financial Management. Pagaari iyon ng mga Lopez. Marami ang nagtaas ng kilay dahil isang ampon ang nagtrabaho roon sa halip na si Margaux. Ni hindi na kasi nito tinapos ang pagaaral. She just... roamed around, trying to get a life. Nag-ring ang cellphone ni Mauro. Nag-excuse ito. Si Mellie naman ang naupo sa tabi ni Margie at hinawakan ang kamay nito. She silently prayed. Sana, maging maayos na ang kalagayan nito. Sana, magising na si Margaux. Sana, ma-realized nito na hindi niya ginusto ang mga nangyari noon sa kanila... "It's getting late. Umuwi ka na." bungad ni Mauro matapos makipagusap sa cellphone. "Okay lang po kayo rito?" concerned niyang tanong. "Yes. Sige na. Dalhan mo na lang ako ng damit bukas." bilin nito saka tipid na ngumiti. Tumangona lang si Mellie at umuwi. Pagdating sa bahay ay hindi na siya kumain. Walasiyang gana. Nagayos na lang siya at uminom ng hypnotic medicine paramakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD