Zenni * * " Lolo! breakfast is ready!" Masaya na sigaw ko " Loooooooo! Almusal na." Sigaw ko " Loloooooooo." Sigaw ko ulit sa kusina Natigilan ako bakit hindi pa lumalabas si Lolo Larry sa kwarto niya nagmamadali ako naglakad pero napahawak ako sa tummy ko biglang sumipa si baby. Malaki na ang tiyan ko pitong buwan na. Ilang buwan na akong walang kontak sa mga magulang ko, Pati si Kayce nababaliw na sa kakahanap saakin pero ayaw ko magpakita sakanila. May kutob kasi ako na malapit saakin ang palihim na nagtatangka sa buhay ko. Bukod Kay Mr Xie may isang tao pa na gusto ako mamatay para sa ari-arian ng mga magulang ko. May hinala ako pero kahit ako mismo tutol sa hinala ko. Sobrang bait niya kasi saakin at paulit-ulit na pinaparamdam kung gaano niya ako kamahal. pero wala na kas

