Lumipas ang araw at dumating ang Saturday kaya wala kaming pasok. Mabuti naman at nitong nakaraang dalawang araw ay tinigilan ako ng direktor at wala namang bagong karanasan akong naranasan. Tahimik at normal na araw lamang ang nagdaan. Hindi rin kami nag-uusap sa HIU ng tungkol sa laman ng flashdrive na nakuha ko. Aware na rin sina Simon tungkol sa mga gang at ang rason kung bakit may ganoon na nabuo. Papunta na kami ngayon sa modern nipa house ko dahil gagawa rin kami ng activity na pinapagawa sa amin ni Professor Kren. Doon na rin kami mag-uusap tungkol sa mga nalaman namin. Iyon na ang magiging meeting place namin tungkol sa mga konektado sa direktor. Minsan tuloy ay napapa-isip ako kung ano ba ang nagawa ko at bakit ko hinayaan na ma-involved ang sarili ko sa ganitong uri na sitwasy

