“Congratulations to us, guys! We all made it to the top ten!” masayang-masaya na sigaw ni Zinnia sa amin. Tumatalon-talon pa siya na parang bata kaya naman ay napatalon na rin kami dahil nakayakap siya sa amin. Mabuti na lang at narito kami ngayon sa loob ng silid ko kaya walang ibang tao na makakakita sa amin ngayon. Kumpleto kaming apat dito ngayon at hinihintay na lang namin na ipatawag kami ni Haime upang makausap. “I really love all of your inventions. I think that should be out in this world,” kumento ko naman sa mga nagawa nila. “Hey, your invention too is amazing! I want to have one of that someday so please make one for me,” sagot naman ni Nadia. Napatingin naman kami sa suot kong kwintas. “To be honest, I want to tell you something,” seryoso bigla na sambit ko. Natigil ang ka

