Connected Families

1201 Words
"So I heard that your parents are all connected? Mapapa-sana all na lang ako!" sigaw ni Zinnia. Natawa naman ako dahil mukha siyang bata kung umasta. Nakaupo na kami ngayon. Nasa gitnang pwesto si Zinnia katabi ang dalawang lalaki samantalang katapat ko naman sina Nadia at Simon. Paikot naman ang sofa na inuupuan namin. "Why? How about your parents?" usisa ko. Nabalitaan ko din kasi na since high school ay magkakaibigan sila. "My parents are scientists. Hindi sila mahilig sa business industry kaya hindi nila kilala ang parents ni Simon while doctors naman ang parents ni Nads but mas nakikisalamuha lang ang parents ko sa mga kapwa nila scientists lalo na sa ibang bansa kaya madalang ko lang sila na nakikita rito sa bansa natin," kwento niya. "Ano bang course ang gusto mong kunin talaga? Mahirap talaga kapag galing ka sa family na iisa lang ang mga career na kinuha kaya kailangan ay sundin mo din ang yapak na gusto nila para hindi ka maiba," sambit ko. Napainom ulit ng alak si Zinnia bago ako sinagot. "Nakakainis lang like, I have my own life naman 'di ba? This is my own life, kaya bakit pati 'to ay gusto nilang kontrolin. Hindi naman ako makalaban kaya nagre-rebelde na lang ako ngayon. Masyado na akong nasasakal sa kanila dahil puro gusto lang nila ang kailangan na masusunod. I can't even live my own life!" reklamo niya. Kung sabagay, kahit naman ako ang nasa sitwasyon niya ay ganoon din ang mararamdaman ko. We are not teenagers anymore pero kung tratuhin kami ng mga magulang namin ay para kaming mga bata na wala pang alam sa mundo. Ayaw nila na mag-desisyon kami at baka daw magkamali, though it's part of growing up. "Nia, kahit ano pa ang gawin mo ay hindi mo mababago ang desisyon ng mga magulang mo. Besides, you will still obey them in the end," ani Simon. Minsan lang siya magsalita dahil laging si Nadia lang naman ang kinakausap niya. "I envy the both of you. You can do whatever you want. 'Yang si Simon business naman dapat ang ite-take niya pero gusto niya rin magkaroon ng ibang profession kaya pinili niyang mag-take ng chemical physics course and para na rin masamahan niya pa rin lagi si Nads. They are in a relationship since second year high school," sambit muli ni Zinnia. "We might end up marrying each other too, don't you think?" nang-iinggit naman na sabi ni Nads kay Zinnia. Inirapan siya nito saka itinaas ang middle finger, "Oh yeah? Well, congrats then. Just make sure that you won't have a daughter." "Bakit naman?" curious na tanong ko. "Ah, well nagpustahan kaming tatlo noong high school kami. Kapag nagkaanak sila ng lalaki ay panalo ako pero kapag babae ay panalo sila," paliwanag niya. Napa-tango naman ako. "How about you, Malieya? Do you have a boyfriend?" Bahagya pa akong nagulat sa tanong sa akin ni Zinnia kaya agad kong naiwagayway sa harap ko ang dalawang kamay ko saka umiling. "I don't have a boyfriend! I haven't been in a relationship since birth," sagot ko. Nanlaki naman ang mata nila Zinnia at Nadia dahil mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Why? May nakakagulat ba sa sinabi ko? "You're kidding, right? Sa ganda mong 'yan ay wala ka pang nagiging boyfriend ni isa?" tanong sa akin ni Nadia kaya bahagya naman akong natawa. "For real, I still don't have a boyfriend. Well, may mga sumubok na noon na manligaw but I am more focused on studies." "Woah, may mga ganiyang babae pa pala. Baka ngayong college ay mas lalong wala ka nang time mag-boyfriend dahil for sure mas magiging busy tayo sa course na kinuha natin," aniya. Ayon naman ang gusto ko, ang focus lang ako sa studies lalo na at mataas ang expectations sa akin nila Mommy and Daddy kaya hindi ko sila pwedeng biguin. Besides, mas gusto ko na sa page-experiment, observing at research lang ako magfo-focus dahil isang distraction lang naman ang lalaki. "Ano pala ang plano mo, Zinnia? Alam mo naman na wala kang laban sa mga magulang mo kaya dapat mo pa din silang sundin." Nilingon namin muli si Zinnia nang sabihin 'yon ni Simon. Nagkibit-balikat ito saka inilapag ang shot glass sa lamesa. "Well, dahil nakilala ko si Malieya ay sinisipag na akong pumasok. At least may iba na akong makaka-hang out bukod sa inyong dalawa dahil sawa na akong makita ang mga pagmumukha niyo." Natawa muli ako dahil napaka-prangka magsalita ni Zinnia. "Ang sabihin mo, sawa ka na maging thirdwheel sa amin," pang-aasar pa ni Nadia sa kaniya. Natapos ang araw na 'yon na puro lamang kami kwentuhan para mas makilala namin ang isa't-isa. Nagpasundo ako sa driver namin sa VIP club para makauwi na. Eight in the evening na nang makauwi ako at naabutan ko si mommy na nasa sala at nanonood sa TV. Nag-beso ako sa kaniya para batiin siya. "Did you drink again?" tanong niya sa akin nang maamoy ako. Ngumiti ako saka nagpa-cute sa kaniya, "Slight. I had a drink with my new friends in HIU. And guess what, Mom? You knew their parents, well except sa parents ni Zinnia na not into business or hospital." Kinwento ko kay Mommy ang tungkol sa mga magulang nila Simon at Nadia. "That's good to hear that you're friends with them, but you're already college Malieya. You shouldn't waste your time in partying at the club. You should focus on your study." Napabuntong-hininga ulit ako nang marinig ang sinabi niya. "I'll go up stairs now. I won't eat dinner na kasi busog na po ako. Good night, Mommy," paalam ko. Nakakainis naman, first day pa lang naman ng pasok pero akala mo examination na namin para sabihin niya na dapat mag-focus ako sa pag-aaral imbis na nag-iinom pa. Hindi ko talaga maintindihan si Mommy. Masyado siya lalong mahigpit sa akin na para bang pine-pressure niya ako dahil hindi niya gusto ang kurso na kinuha ko. Wala na rin naman silang magagawa pa ni Daddy dahil kahit ano pang gawin nila ay buo na ang desisyon ko. Noong bata ako ay natuto akong mag-imbento ng mga bagay na may pakinabang. I tried experimenting things. Kung ang ibang bata noon ay normal na naglalaro sa labas, ako naman ay nasa loob lang ng bahay at gumagawa ng kung ano-anong maiimbento kong gamit. Hanggang sa paglaki ko ay mahilig ako sa research kaya ang dami kong nalalaman about experiments. Marami din akong mga kilalang sikat na scientists at may ilang nakita na ako sa ibang bansa noong nagpunta kami ni Mommy sa USA. Gusto ko na sa paglaki ko ay maging katulad ko sila. Gustong-gusto ko matupad ang pangarap ko lalo na at matagal kong hinintay na makatuntong ako sa college para magawa ko na ang gusto ko. Sana lang ay hindi ako mag-fail dahil ayoko na pwersahin ako nila Mommy na mag-take ng business course. Nagpalit na ako ng damit saka nag-ayos. Kinuha ko ang isang box sa ilalim ng kama ko saka inilabas isa-isa ang mga nagawa ko noong bata ako. Mga recycled things lang ang ginagamit ko noon kaya nae-excite ako dahil mga high quality na ang gagamitin namin this time. I will be successful soon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD