Maaga pa lang ay wala na sina Mom and Dad sa bahay. Mukhang sobrang aga nilang umalis para mag-asikaso sa kumpanya. Halos hindi nga sila natulog kagabi dahil anong oras na ay na gising pa rin sila. Naririnig ko kasi na pabukas-sarado ang pinto ng kwarto nila kaya mukhang palabas-labas sila. I felt guilty because I was also one of the reason kung bakit nagka-problema ang company namin at nahihirapan ngayon ang parents ko sa sitwasyon.
Nag-chat sa group chat namin si Nadia at Simon na male-late sila ng kaunti sa pagpasok dahil may dadaanan pa raw sila. Si Zinnia naman ay kakagising lang kaya nagmamadali na siyang mag-ayos para pumasok. Samantalang ako ay on the way na agad papuntang HIU. Habang nasa byahe ay natutuliro ako dahil baka may bigla na namang humarang sa dinaraanan ko kaya naman ay pinanatili kong nasa gitna ng daan ang sasakyan ko. Nakahinga ako ng maluwag nang matiwasay akong nakarating sa parking lot ng HIU.
Ngunit hindi ko naman inaasahan na pagbaba ko ng sasakyan ay may hihila na naman sa akin! Akala ko ay wala nang mambubulabog sa akin ngayong araw pero ito na naman at may panibagong nanghila sa akin! Nakatingin lang ako sa lalaking hila-hila ako ngayon. As usual ay naka-suot ang lalaki na iyon ng itim na jacket, itim na pants, itim na cap at sigurado naman ako na naka-itim na face mask din siya kahit na hindi ko pa nakikita ang mukha niya. Hindi na ako pumalag pa at hinayaan na lang siya na hilahin ako papunta sa kung saan.
Nakarating kami sa isang madilim na naman na parte ng parking lot saka humarap sa akin ang lalaki. Nang makita ko ang mga mata niya ay doon ko napagtanto na siya ang lalaki na humila rin sa akin noong isang araw dito sa parking lot. Walang gana ko siyang tinignan. Hindi na ako nakakaramdam ng takot ngayon. Pakiramdam ko naman ay hindi nila ako sasaktan at magbibigay lang sila ng mensahe sa akin. Hindi ko naman akalain na magiging messenger pala ako rito sa HIU, tsk.
“Bakit wala man lang reaksyon sa mukha mo?” tanong nito sa akin nang makita na hindi man lang ako nagulat sa presensya niya o nakakaramdam ng kaba. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
“Ano na naman ba ang kailangan mo?” sambit ko.
“Kilala mo ako?” nagtataka pa na tanong niya. Mukha bang hindi ko siya makikilala? Akala yata niya ay hindi ko mahahalata na parehas na tao siya at noong isang araw na humila sa akin. “Tambay ka ba rito sa parking lot ng HIU? Parang palagi mo akong inaabangan dito simula noong isang araw,” sarkastikong sambit ko.
“I already told you to transfer to other university. Your life is in danger here. Hindi mo alam kung sino ang tunay na kalaban,” sabi niya. Bigla ay may napansin ako sa kwelyo ng damit niya sa loob. Isang logo iyon at napansin ko na rin ‘yon sa lalaking humarang sa akin kahapon sa daan. Ibig sabihin ay logo nila ‘yon? Nasa iisang samahan lang sila?
“Ano na naman ba ang ibig mong sabihin? I have already done my part. Tapos na ako maging witness ng HIU sa meeting kahapon. Ngayon ay hindi na ako involved sa kahit na anong kaguluhan pa. Iyon na ang una at huli na masasangkot ako sa issue ng HIU. Kaya pwede ba ay tigilan mo na rin ako? Pangarap ko na makapag-aral at makapag-tapos dito sa HIU kaya bakit ako lilipat sa ibang unibersidad?” inis na tanong ko sa kaniya.
Paulit-ulit niyang sinasabi na nanganganib ang buhay ko. Sa anong paraan naman nanganib ang buhay ko? Wala naman akong ginagawang masama kaya bakit manganganib? Kasisimula pa lang ng pasok ko rito sa HIU ay ganito na agad ang mga natatanggap at nararanasan ko. Ngayon naman ay sinasabi ng lalaki na ito na hindi ko kilala kung sino ang tunay na kalaban. Ano ba ang pakialam ko sa kalaban ng HIU? Kung may iba pang kagalit ang direktor ng HIU ay labas na ako roon. Ganoon naman talaga ang takbo sa mundo ng negosyo. Maraming kagalit in terms of business. Normal na iyon at hindi na bago. Kung mapatunayan man na si CEO Perez ang nagkasala sa HIU, ibig sabihin ay totoo ang dahilan niya na may galit talaga siya kay Director Suizo.
“Hindi mo ako naiintindihan dahil ayaw mo akong intindihin. Ang kalaban ay nasa malapit lang. Na-involved ka na kaya wala ka nang magagawa pa dahil kasali ka na sa listahan ng kalaban,” pagpupumilit pa niya.
“Bakit kita iintindihin kung hindi naman kita kilala? Wala akong ni isang rason para magtiwala sa iyo at maniwala sa mga pinagsasabi mo sa akin. Sino ba ang kalaban na tinutukoy mo? Ano ang kinalaman ko sa kaniya? Bago at isang hamak na estudyante lamang ako rito sa HIU kaya bakit ako madadawit sa listahan ng kalaban na sinasabi mo? Kung kilala mo na pala ang kalaban, bakit hindi ikaw mismo ang tumugis sa kaniya? Hindi ko alam kung ano ba ang punto mong talaga at kung bakit mo ginagawa sa akin ito. Pero sana ay tigilan mo na ako.”
“Orson, gusto mo ba na madamay pa ang mga magulang mo dahil hindi ka nakinig sa akin? I am giving you a warning, a chance to get yourself out of this mess and to save yourself. Not just yourself but also your family and friends.”
Mas lalong kumunot ang noo ko at napa-buntonghininga na lang. Hindi ko na alam kung ano ang ibig sabihin ng mga sinasabi niya. Mas lalong ayokong maniwala dahil wala namang sense ang mga sinasabi niya sa akin ngayon. Wala ring mga ebidensiya na magpapatunay na dawit ako sa kalaban na tinutukoy niya.
“Please, stop approaching me and telling me things about this. I have a class now so I’ll get going.”
Tinalikuran ko na siya at naglakad palayo ngunit narinig ko pa ang huling sinabi niya. “You will regret not listening to me.” Hindi ko na pinansin pa ang sinabi niya at nagpatuloy na sa paglalakad palayo sa kaniya. Baka may makakita pa sa akin na nanggaling sa madilim na parte kaya nagmadali na ako na makaalis doon.
Nakarating ako sa classroom namin at wala pa roon ang mga kaibigan ko. Tinitignan na naman ako ng ilang mga kaklase ko na para bang may nagawa na naman ako para pag-usapan nila ako. Bago pa ako makarating sa pwesto ko ay may humarang na isang babae sa dinaraanan ko. Hindi ko pa kilala ang lahat ng mga kaklase ko. Hindi rin naman ako interesado na kilalanin o alamin pa ang mga pangalan nila dahil may mga kaibigan naman na ako. Kuntento na ako sa mga kaibigan ko ngayon at hindi ko na kailangan pa na makipag-kaibigan sa iba.
“Why did you disrespected our beloved Director Suizo?” mataray na tanong niya sa akin. Oh, God. Ang alam nga pala nila ay binastos ko sa pagsasagot ang direktor kahapon. Alangan naman na sabihin ko sa kanila na inutusan ako ng direktor na mag-sinungaling sa harap ng mga magulang ng mga biktima? Uso pa rin pala sa college ang ganitong mga kaganapan. Mukhang mang-aaway pa nga ang babae na ito dahil sa postura niya at tingin niya sa akin.
“I did not disrespected him,” mahinahon na sagot ko sa kaniya. Nilagpasan ko siya saka ako tuluyang umupo sa pwesto ko. Ramdam ko ang mga tingin sa amin ng mga kaklase namin na akala mo ay nanonood sila ng isang movie at nag-aabang sa mga susunod na aksyon. Parang mga bata naman sila kung umakto ngayon.
“Oh, really? Kalat na sa college department ang nagawa mong pagsasagot-sagot kay Director Suizo. Nakakagalit lang dahil matagal na kaming student dito sa HIU tapos ang isang tulad mo na baguhan lamang ay nagawang bastusin ang nirerespeto naming direktor. How could you?” sambit pa niya nang lingunin niya ako matapos ko siyang lagpasan.
“Nasa meeting ka ba kahapon?” tanong ko. Nakita kong kumunot naman ang noo niya dahil sa tanong ko. “Wala, and why would I be there?” sagot nito. Bahagya akong natawa dahil doon.
“Wala ka naman pala sa meeting kahapon, kaya ano ba ang alam mo? Paano mo nasabi na binastos ko si Director Suizo? Dahil sa chismis na kumalat? Sino ba ang nagpakalat ng chismis na ‘yan? Siguraduhin niya na nasa loob mismo siya ng conference room,” matapang na sagot ko. Narinig ko pa ang ibang lalaki na napa-‘oohh’ dahil sa isinagot kong ‘yon.
“Huh! What the hell? So sinasabi mo ba na fake news ang kumalat na balita sa amin kahapon?” hindi makapaniwala na tanong niya. Nagkibit-balikat naman ako. “I was just asking you kung ang source niyo ba ay naroon din kahapon sa meeting.”
“But she’s the source herself. Siya ang nagpakalat ng balita na hindi mo raw nirespeto si Director Suizo,” sabat ng isang lalaki na kaklase namin. Agad siyang sinamaan ng tingin ng babaeng nasa harapan ko. Siya naman pala ang may pakana kaya kinokompronta niya ako ngayon.
“Ikaw naman pala, e. Sa iyo na mismo nanggaling na wala ka sa meeting kahapon. Kaya paano mo naman nasabi na hindi ko nirespeto ang direktor?” tanong ko muli. Kita ko na ang inis sa mukha niya at parang any time ay sasabog na siya.
“I heard it with my own ears! I was there at the back stage, although hindi ko naumpisahan ang usapan ninyo. Narinig ko naman kung paano mo sinagot ang direktor.”
“The fact na hindi mo naman pala alam ang dahilan kung bakit ganoon ang sagot ko sa kaniya, ibig sabihin ba agad noon ay ikakalat mo nang hindi ko nirespeto ang direktor? Act like your age. Para kang elementary student na nagsusumbong sa ibang tao kahit na hindi naman totoo ang sinasabi,” inis na sambit ko.
“How dare you talk to me like that!” Akmang sasampalin pa niya ako habang naka-upo ako nang biglang may sumigaw kaya napatigil siya. Ni hindi nga ako natinag kahit na alam kong sasampalin na niya ako. What a low class b***h.
“Hey! Stop acting as if your a queen here or something!” sigaw ni Zinnia saka mabilis na lumapit sa pwesto namin. Sinamaan niya ng tingin ang babaeng nasa harapan ko.
“What do you think you’re doing to her, Torres?” tanong naman ni Nadia. Mukhang Torres ang surname niya. Wala pa rin naman akong pakialam sa kaniya.
“N-Nadia... I just want to know why did she disrespected Director Suizo yesterday,” medyo utal pang sagot niya kay Nadia.
“You are not asking her, you are accusing her. You’re not a kid anymore. Bakit ka nang-aaway ng newbie? Besides, she did nothing wrong. You’re the one who spread false information so you should be the one apologizing to her,” pangaral ni Nadia sa kaniya. Napayuko na lang ang babae dahil sa kahihiyan na natamo niya ngayon.
“Are you okay?” tanong ni Zinnia sa akin. Tumango naman ako at bahagyang ngumiti sa kanila. “I’m fine. I just answered her accusations to me earlier. Besides, hindi ko naman siya kilala kaya ayos lang,” sagot ko.
“Go back to your sits now. Professor Kren will come in any minute now,” ma-awtoridad na sambit ni Simon kaya naman agad na umayos ang mga kaklase namin. Mukhang kinatatakutan sila sa classroom dahil agad silang sinusunod ng mga kaklase namin. Marahil ay dahil galing sila sa matataas na antas na pamilya. Ang alam ko naman ay ganoon ang takbo basta sa ganitong unibersidad nag-aaral.
Hindi nga nagtagal ay dumating na si Professor Kren. Nakinig na lang ulit ako dahil wala naman akong mapapala kung magpapa-apekto ako sa ibang tao. Hindi ko akalain na ganito pala ang mararanasan ko rito sa HIU kahit na ang gusto ko lang naman ay makapag-tapos ng matiwasay sa pag-aaral.
Lumipas ang oras at biglang pumasok si Professor Sanchez sa classroom. Patapos na rin naman ang time ni Professor Kren. Dumako na naman ang paningin sa akin ni Professor Sanchez. Mukhang natunugan ko nang may kailangan na naman siya sa akin.
“I will just excuse one student, Professor Kren. Is your class already finished?” tanong ni Professor Sanchez. Tumango naman si Professor Kren sa kaniya. “You may now excuse him or her.”
“Miss Orson, come with me,” aniya. Napabuntong-hininga naman ako at ngumiti sa mga kaibigan ko saka sumunod kay Professor Sanchez. Break time naman namin ang kasunod kaya ayos lang na umalis ako. Nakasunod lang ako kay Professor Sanchez kahit na wala akong ideya kung ano na naman ba ang kailangan kong gawin ngayon.
Nakarating kami sa harap ng dean’s office. Binuksan niya ang pinto saka kami pumasok sa loob. Nakita ko roon si Dean Ramos na naka-upo sa harap ng mini table at kaharap niya ay ang direktor. Napatingin sila sa akin nang pumasok ako sa office. Tumungo si Professor Sanchez kaya naman ay ganoon din ang ginawa ko upang magbigay ng galang sa kanila. “Good morning, Dean Ramos and Director Suizo,” bati ko. Hindi na bumati si Professor Sanchez dahil mukhang nakita na naman niya ang dalawa kanina pa. Siya nga pala ang adviser ko kaya siya na ang sumundo sa akin at dalhin ako rito.
“Have a seat,” alok sa akin ni Dean Ramos. Umupo naman ako sa gitna kung saan sinabihan ako ni Professor Sanchez na umupo. May laptop na nakabukas sa mini table at nakaharap iyon sa akin. Sa ngayon ay nakapatay pa kaya hindi ko mahulaan kung ano ba ang sasabihin nila sa akin. Mapaparusahan na ba ako ngayon dahil hindi ko nagawang sundin ang utos ni Director Suizo kahapon?
“Why did you want me here?” tanong ko. Hindi na ako mapakali at may mali akong nararamdaman. Hindi ko malaman kung ano ba ang dapat kong gawin pero umaakto pa rin akong normal.
“We saw a footage of you in the parking lot,” panimula ni Dean Ramos. Doon na kumabog ang dibdib ko dahil mukhang ang nakita nila ay ang paghila sa akin noong lalaki. Hindi ako umimik at hinintay ko lang sila na sundan ang sinasabi. Binuksan ni Dean Ramos ang laptop na nasa harapan ko saka ko nakita ang footage kung saan hinihila ako ng isang lalaki papunta sa madilim na parte ng parking lot.
“This footage happened after the incident. Then the next footage happened earlier. What does this means?” sambit ni Director Suizo. Napakunot naman ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.
“What?”
“You’re kind of suspicious. Also, the fact that a freshmen student like you knew about the poison within a span of time. Thus, you mentioned to me yesterday that your family owns the InvestSpend Company which is a sister company of Solidos Company. What is the meaning of this? Is it a coincidence that you already knew the poison in the mineral water? Or maybe you are also involved to this issue? Maybe the two companies collided to ambush HIU and they asked you to also ruin HIU’s reputation,” mahabang sambit ni Director Suizo.
“Maybe the guy was giving you instructions to what you’re going to do,” dagdag pa ni Dean Ramos. Ngumiti naman ako sa kanila.
“So you were accusing me? You were accusing the company of my parents?” hindi makapaniwalang tanong ko. “We are not accusing you. We are just stating some facts and we need at least an explanation about this,” sagot ni Dean Ramos sa akin.
Mukhang totoo nga ang sinabi sa akin ng lalaki kanina sa parking lot. Baka madamay na ang mga magulang ko. So sinasabi ba niya na ang tunay na kalaban ay ang mga tauhan lang din sa HIU? Naninira ba sila ng ibang kumpanya? Hindi pa ako sigurado sa naisip ko pero sa ipinapakita nila sa akin ngayon ay hindi na imposible. Hindi ko akalain na magagawa pa nila akong akusahan ngayon dahil lang mabilis kong nalaman na may lason sa mineral waters.
Nilabas ko ang phone ko saka pinindot ang isang record. Doon ay narinig ang utos sa akin ni Director Suizo bago pa magsimula ang meeting. “What do you think will happen if the public heard about this?” tanong ko saka ang tingin ay nasa direktor. Nginisihan ko pa siya para maipakitang hindi ako natatakot sa kaniya.