Medyo nagulat naman ako dahil sa sinabi niyang iyon. “You already knew?” tanong ko pang muli. Tumango naman siya. Nakita ko ang mga kaibigan namin na wala na pala sa lamesa. Gaano ba ako katagal na nasa comfort room? Miski ang oras ay hindi ko na napansin. “Yeah, kaya hindi na ako nagtaka noong sinabi mo na magbabanyo ka. Nakita ko pa na ang pinuntahan mo ay ang pinuntahan ng matandang lalaki kanina. Napansin ko na bago noong bumili kami kanina ni Simon ng pagkain na nakatingin siya sa ‘yo at mukhang nagmamasid. Kaya naman noong pinag-uusapan ninyo ako sa lamesa ay mahina lang ang boses mo. Miski ako ay hindi ko rinig ang usapan ninyo ngunit nahalata ko lang na tinanong ka nila kung paano tayo nagkakilala,” paliwanag niya. “Alam mo na pala na may nakasunod sa akin pero hindi mo pa sina

