Balik klase na ulit nang matapos ang weekend. Inaasahan ko nang sa akin ibubuntong ng direktor ang galit niya ngunit wala akong narinig ni isa na galing sa kaniya. Hanggang sa nagpatuloy pa ang linggo na ‘yon ay naging payapa ang pag-aaral ko sa HIU at nakakapanibago. Ngunit natutuwa naman din ako dahil walang distraction na naganap. Focus din kaming magkakaibigan sa mga pinapagawang activities ngayon ng mga professor namin. Lalo na at kailangan namin na mas makinig ng ayos dahil humihirap na ang mga individual works na ipinapagawa sa amin. Samantalang busy pa rin si Kien sa pasimpleng pagmamasid dito sa HIU. As of now ay hindi pa rin namin nakakasalamuha ang mga miyembro ng Severus Gang dito sa HIU na mga college students din na tulad namin. Isa pa ay ‘yung anak ng nakulong noong nakara

