Ano kayang pinag-usapan nila Mama at Sylas? Hindi maiwasang tanong ni Aleona sa sarili habang sakay siya ng elevator paakyat sa unit ni Ysabel. Lunes noon at kakabalik lang niya mula sa Pampanga. Noong sabado kasi, nadatnan niyang magkayakap ang lalaki at ang kanyang ina. Her mom was crying. Ganoon din si Sylas, pero nakangiti ito. Parang tears of joy ba. She asked her mom kung ano ang nangyari nang pumasok na ito. But her mom just smiled and told her to sleep. Kinabukasan, iniwasan din nito ang topic. Hay, ano ba kasi iyon? Napakamot pa siya ng ulo. Hindi naman mukhang malalim na sikreto iyon dahil ngumingiti pa nga ang ina niya. Di kaya may surprise si Sylas sakin at kasambwat si Mama? Ano naman kaya iyon? Liligawan n’ya ako, ganon? Tapos, napakunot ng noo si Aleona. Luh, san ko naku

