Kasama sa attraction ng hacienda ang isang campsite, kaya naman kinagabihan ay nagkasundo sila na doon magpalipas ng gabi. Bale isang open field iyon tapos sa gitna ay mayroong espasyo na inilaan para sa bonfire. Mayroong mga log beam na nakapaikot doon na pwede nilang upuan. Matapos gawin ang bonfire, nag-abala naman ang mga lalaki na itayo ang dalawang tent na gagamitin nila. Sina Aleona at Ysabel naman ang nakatoka sa pag-iihaw ng pagkain nila. “To the earth, Aleona!” Napitlag na lang si Aleona saka napatingin sa kaliwa niya, kung saan si Ysabel. “Ha?” “Nakatulala ka, ay. Ano bang iniisip mo?” tanong naman ng kaibigan niya saka higit na hinila palapit sa katawan nito ang nakapatong na alampay sa balikat. “Ah, wala naman,” tugon naman niya saka tiningnan kung luto na ang mga hotdog

