Halos isang oras ang lumipas bago nailabas sina Sylas at Aleona sa elevator. By that time, hindi na halos makahinga si Aleona kaya naman itinakbo na ito sa ospital. Sadly, nagtuloy-tuloy na ang hika nito kaya naman sinabi na ng doktor na dapat itong ma-confine na. Nang sandaling iyon, nailipat na si Aleona sa isang private room at mag-isa itong binabantayan ni Sylas. May nakakabit na nasal cannula sa ilong nito. Sa awa naman ng Diyos, mukhang mas mainam na ang lagay nito kaysa kanina dahil mahimbing ang tulog. Humihilik pa nga ito nang mahina, at sa totoo lang ay napapangiti si Sylas dahil doon. Ang cute tingnan ni Aleona. “I should apologize to everyone later,” wala sa loob na sabi na lang ni Sylas. Natayo siya noon sa gilid ng kama ni Aleona. “Ha?” nagtataka namang tanong ni Rovi, na

