“Grabe, kinakabahan ako!” hindi mapigilang sambit ni Aleona. Ngayon ang coronation night, at nasa make-up room siya noon na inilaan para sa mga babae. Ilang sandali na lang ay magsisimula na ang patimpalak. “Ano ka ba, girl? Wag kang kabahan,” sagot naman sa kanya ni Ysabel habang sinusuot sa kaliwang tenga niya ang isang hikaw na may palawit na hugit diamond. “Alalahanin mo, ilang araw natin itong pinag-practice-san!” Nagboluntaryo na si Ysabel na maging personal glam team ni Aleona. Wala raw kasi itong tiwala sa ibibigay ng department niya. Neglectful kasi ang officers. As a matter of fact, nauna pang nalamang ni Aleona ang simula ng practice ng ramp walk kesa sa mga officer. Dahil ayaw naman nitong mapahiya ang kaibigan, nagpresinta na si Ysabel. She even brought her mom’s personal st

