CHAPTER 16 ELENA Hindi ako kumain ng kanin. Pinapak ko lang ang manok. Hindi alam ni Rafael na habang kumakain siya ng kanin ay iniinom ko naman ang alak na natira niya. Sabi nila mabilis makatulog kung uminom ng alak, ngunit kung madalas ay nakakalimot ka. Nakatatlong shot ako mula kanina na pagdating ko, subalit kaunti lang ang nilalagay ko sa kapeta. Para na nga akong nahihilo kahit pa kunti-kunti lang ang iminom ko. Naalala ko rin na hindi ako puwede magpakalasing at baka makalimutan ko na nagpapanggap lang ako na si Ate Miranda. Baka masabi ko kay Rafael na ako si Elena, ang kapatid ni Ate Miranda. Baka masabi ko rin sa kaniya na matagal ko na rin siyang gusto. Baka magkaganoon masira ang lahat ng gusto ni Ate Miranda. Tinabi ko na lang ang alak at kinain ang hamburger. “Kumain ka

