Chapter 60 Elena Lumilipas ang araw at buwan parang kailan lang maliliit pa ang mga anak ko subalit isang buwan na lang magtatatlong taon na sila. Mabuti na lang hindi na bumalik si Rafael, dito sa bahay. Paano na lang kaya kapag natagpuan niya ang mga anak namin rito? Tinatapik-tapik ko ang pwet ni Violet. Pinapatulog ko ito dahil siya na lang ang hindi natutulog. Day off ko ngayon, kaya buong araw at buong gabi ko sila nakakasama. “Mommy, wala ka na rin bang, Daddy?” tanong ng makulit kung anak sa akin. “Wala na anak. Matagal ng patay ang Lolo ninyo kasama ng Lola ninyo. Kaya ang Tita Angel, ninyo ang nagpalaki sa akin at nagpaaral kaso kasama na rin siya ng Lolo at Lola ninyo,” sagot ko sa tanong ni Violet. “Kaya po ba wala rin kaming Daddy? Kasi wala rin po kayong Daddy?” Napa

