Nakarating nako ng maynila at mabait naman talaga ang pamilyang na puntahan ko tinuring nila akong pamilya kahit kilan man at di ko nara turing ng mag asawang sonia at edgar sandoval sakin.agad akong napalapit sa mga anak nito at iba pa nitong mga kamag anak at kakilala. Para akong nagkaroon ng pangalawang mga magulang sa kanila dahil ulilang lubos nako nag pariho kung magulang ay namatay sa parihong sakit na cancer.ginagabayan nila ako at pinagsasabihan din kung may mali akong nagawa at di nila nakakalimutan ang kaarawan ko at lage akong may pamasko sa kanila. Umabot nako ng 3 taon sa kanila at ganon parin ang trato nila sakin at hindi ako nakipagboy friend dahil naka focus ako sa trabaho at mga kapated ko sa probinsya. Hanggang sa magkaroon ako ng cellphone na maganda pwde kang makapagbukas ng f*******: ko,may sarili silang wifi kaya lage akong online.
Patulog na sana ako ng biglang tumawag sakin si ate sonia
“Hello, po?” agad kong sagot kay ate
“Hello lise, andito ako sa barangay naka duty ako ngayon pasuyo nalang ako hintayin mo pag uwi ko.”ganito lage yung set up namin kada schedule niya sa barangay dahil isang itong kagawad ng barangay hinihintay ko siya at ako ngbubukas ng pinto sa kanya.
“sige po ate.”
“inaatok ka na ba?” nagulat ako sa tanong niya, narinig nya yata ang paghikab ko.
“Ay, hehe kunti po,” tipid kong tawa kay ate
“Sa baba ka nalang ulit matulog ha!” malumanay na sabi nito
“opo, ate!”
“Salamat!” binaba na nito ang tawag dahil tinatawag na siya ng mga kasamahan niya. Agad akong bumaba sa sala bitbit ang kumot at unan ko.Binuksan ko ang tv at nanuod ng palabas hininaan ko lang ang volume nito at baka magising pa ang mga natutulog na. Na aliw ako sa pinapanood ko ng biglang ng vibrate ang cellphone ko pag tingin ko ay notification na naaccept ang request ko na mag join sa isang group page na Meet New Friends Tinignan ko ito at scroll down lang ako ng scrolldown hanggang sa mapahinto ako sa isang post sa timeline ng page.
Comment down your phone number and I will call you!sayang ang unlicall ko guys!
Napaisip ako kung ilalagay ko ba number ko o hindi. Gusto ko rin kasing magkaroon ng mga bagong pang kaibigan malibang doon sa mga nakilala ko sa isang page din na kpop fan industry. Nag comment bahala na kung maytatawag man o wala. pag tingin ko pangatlo ako sa mga nagcomment. Nanuod ulit ako sa palabas dahil wala namang nag reply ng 'okay o salamat'. Maya-maya pa ay biglang tumawag si ate sonia ay sinasabi niyang papauwi na siya,pagkatapos naming mag usap ay agad ko ng binaba ang cellphone ko ulit sa maliit na mesa na katabi ng unuupuan ko ng biglang my tumawag na unknown nber. Ayaw ko sanang sagutin dahil di ko naman kilala ng aksidenting answer call ang napindot ko dahil yung mga mata ko ay nasapinaanuod kong palabas na nagiiyakan ang bidang babae at lalaki ng nagulat ako n parang bang may ng hehello akong narinig sumilip ako sa binta kung may tao ba sa labas ngunit wala akong nakita. Tumahimik ako at pinakingagan yung nag hello ulit at nagtaka ako bakit parang nasaloob lang ng bahay ang boses na yun,at parang na paanan ko malapit.kinilabotan ako naiisip ko may multo kaya dito kase kwento kwento nila my nakatira daw doon sa bahay,nag salita ulit ito at ng bigla akong mapatingin sa cellphone ko na nakailaw sa kamay ko, pag tingin ko ongoing call. Wala sa isip kong nilagay ko ito sa tainga ko
“He-hello,” kinakabahan kong sagot dito”s-sino po sila?”
“Hi, I am Luis john Gonzales, ikaw anong pangalan mo?”magiliw nitong sagot sakin.
“po!,a-ako nga po pala si el..” nag biglang tumatawag sakin si ate sonia sa labas at sa kaba ko ay pinatay ko agad yung tawag.
“elise, pabukas ng pinto.” Habang binubuksan nito ang gate.
“Opo, ate.”habang pinipihit ko ang door knob.binuksan ko ang pinto ng malaki para makapasok na si ate. Nakatayo ako malapit sa pinto at hawak pa ang cellphone ko naalala ko ang kausap ko parang naging bastos pako kanina dahil pinatayan ko lang ito bigla ng tawag ,nakukonsinsya ako at agad ko itong tenext
Elise pala pangalan ko, sorry bigla kong pinatay dumating na kase amo ko at nahihiya akong maykausap sa cellphone sa harap niya.
Agad naman itong nag reply
andyan p ba siya? pwede ba makatawag ulit?
Ha? Bakit?
Nagtatakang reply ko sa kanya.
May kasunod ulit itong text at di ko na nabasa dahil inutusan ako ni ate na bumili sa nakabukas pang tindahan ng soft drinks dahil may kasama siyang kaibigan niya. Pagkaabot ng pera ay agad akong lumabad ng bahay, hinahayaan ko lang nakaawang amg pinto at pumunta na sa tendahahan na alam kung bukas pa sa mga oras na to. Tahimik ako naglalagad at bigla ulit tumunog ang cellphone ko.
“Hello?” agad kong sagot sa tumawag ulit
“oy, hello” answered me with his husky voice. Bahagya akong nagulat sa boses niya at kamontik ko ng maapakan ang asong natutulog sa gitna ng kalye.
“Elise,” dugtong nito
“ha?,”sahot ko sa kanya
“ano apelyedo mo? Tanong niya.
“A-ano Villa.” Nabubulol kong sagot sa kanya.
“A! Ilang taon kana?taga saan ka?” sunod nitong mga tanong.
“ano, 22. At andito ako ngayon sa tondo, ikaw?” balik kung tanong sa kanya .
“21, taga cavite ako”sabi nito di ko namalayan nakarating nako sa tindahan at ng excuse muna ako dito na bibili lang at binaba ko ang cellphone ko nilagay ko muna sa bulso ko at binayaran ko ang binili kong soft drinks at binilisan ko ng makauwi agad. Pagdating ko ng bahay ay agad ko ng binaba sa malaking lamesa ang softdrinks at kumuha ng dalawang baso. At pinaakyat nako ni ate para daw makapag pahinga nako.
Agad naman akong sumunod dahil medyo inaantok na din kase ako.Pagkaayos ko nag una ko sa higaan ko ay dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa ko at umupo sa gilid ng kama pag tingin ko nagulat ko bakit ongoing parin ito. Nilagay ko sa tainga ko
“h-hello?”nahihiya kong sinabi .
“tapos ka na ba?” tangin sagot nito.
“ha, oo p-patulog na sana ako.” Kinalma ko sarili ko kahit nahihiya ako dahil hindi niya pinatay yung tawag niya .
“wag ka munang matulog,usap muna tayo.”
“bakit?” tanging sagot ko .
“Gusto lang kitang makausap,pwde ba?” parang siyang nakikiusap .
“okay.” Nag oo nalang ako dahil nawala na din naman ang antok ng makita kong di ni pinatay yung tawag niya.
“talaga!”nabuhayan ang boses nito sa kabilang linya.
“Opo.” Napangiti ako sa boses niya .
“Po? Magkaedad lang tayo.”biro nitong tuno.
“ha, anong makaedad mas matanda ako sayo no!kaya mag ate ka sakin!”pabiro kong sagot sa kanya
“Ay, ate…”tumawa ito sa kabilang linya “totoo nga! 22 ka na?”paniniguro nito
“Oo nga!” parang hindi panito naniniwala sa sinabi niya kanina
“weee, boses bata ka kase. Para kases 10 years old yung kausap ko.” Duda nitong tuno
Napatawa ako sa tuno ng boses niya. Hindi siya kombensido” o sya,aaminin ko na,” bumuntong hininga muna ako at ito din ay naghihintay ng isadagot ko”53 nako!,ay hindi 44 pala!ay 17?parag 95 na yata ako!” sabay tawa ko
Lumakas tawa nito” mas lalo mo pang ginulo utak ko e.”
“Di ka kase naniniwala e, kaya ikaw na mamili saan jan.” tumawa ulit ako. Lakas lang nag tawa narinig ko sa kabilang linya. Medyo napalagay nako sa kanya natutuwa ako sa lakas nyang tunawa para bang magkakilala kami at and dami naming napagkwentuhan na kalokohan hangagang sa naalimpungatan ako sa alarm ng cellphone ko alas 6 na pala ng umaga. Nagmumuni muni muna ako at tinignan ang cellphone ko. May isang text ito
Naputol kwentuhan natin tinulugan mo na ako.Gusto kitang maging kaibigan Nakakatuwa kang kausap. Save mo nalang # ko.tulog na din ako salamat elise.
Hala ang sama ko,tinulugan ko yung taong nagkwekwento. Nasabi ko sa kaloob looban ko para makapaghingi ng tawag sa naging asal ko ay ng reply ako sa kanya.
Good morning, sorry talaga nakatulog ako sa kwento mo.okay save ko nalang # mo and friendship offer accepted
.
Pagkasent ay agad nakong naghilamos at bumaba para maghanda ng almusal at makalinis na din ng bahay pakatapos ko sa aking routine kada umaga ay sinusunod ko na ang pagligo ko at mamalingke nako para sa tanghaliang lulutuin.
Natapos na naman ang araw ko at dahil sa wala namang lakad mga amo ko ay maaga akong nakapagpahinga.