Untold Stories

1052 Words
“’San meron lang kaming pupuntahan ni mommy. Babalik ako. Mag-uusap tayo tungkol sa ating dalawa. Alam kong pareho tayo nang iniisip sa ating sitwasyon. Walang puwedeng makaalam na mayroon tayong relasyong ganito.” Tango lang ang aking tanging naitugon. Dahil ang totoo ay hindi ko rin alam ang dapat gaw’in sa aming nararamdaman na alam naming bawal na pag-ibig. Nagyakap kami ni pinsan. Ang aming paki-ramdam ay para bang sabik na sabik sa isa’t-isa. “oo ‘pin mag-uusap tayo.” Eva’s pov Umalis kami sa bahay nang aking asawa nang  biglaan dahil sa pagtawag nang aking panganay na kapatid. Sa totoo lang ay mayroon na akong ideya kung ano ang aming pag-uusapan na magkapatid dahil nabasa ko ang mensahe niya sa akin noong umaga bago pa kami nagpasya na umalis kina-haponan. Tungkol kay Maan ang aming pag-uusapan. Si Maan ay apat na buwang sanggol pa lamang noong dalahin sa akin ng aking ate. Si ate Stella ay mayroong kaibigan na nagtatrabaho bilang isang katulong sa mayamang pamilya sa bayan ng Navotas. Si Fermin. Matalik na magkaibigan si ate Stella at si Fermin batay na rin sa kuwento ni ate. Isang araw dumating sa kanilang tinutulayan sa Tinajeros, Malabon City si Fermin na may dalang sanggol. Inihabilin niya ito kay ate Stella ang sabi ay kukunin din niya sa loob nang ikatlong araw dahil uuwi muna siya nang probinsya nila at hindi naman niya puwedeng dalhin ang bata dahil hindi alam ng pamilya nito na siya ay may baby. Tinanggap ni ate Stella ang bata sapagkat siya’y nasabik din na mag-alaga ng bata. Mayroong isang anak na pitong taong gulang na lalaki si ate. Si Kendrick. Nasa bansang Qatar si kuya Edmundo kaya sila lang mag-ina ang nasa bahay.  Dumating ang itinakdang araw na kukunin ni Fermin ang bata kaya’t naihanda na lahat ni ate Stella ang mga gamit ng bata. Pero lumipas ang maghapon ay walang Fermin na dumating sa kanilang tahanan. Nag-aalala na si ate Stella dahil malaki na rin ang nagagastos niya sa sanggol wala naman iniwan na pera o panggastos pambili nang mga kailngan ng bata kagaya na lang ng diapers at gatas nito. Naalala ko pa noon nagpadala ako kay ate ng halagang dalawang libong piso dahil wala na raw siya maitustos sa bata sapagkat nadelay ang sahod ni kuya Edmundo sa pinagtatrabahuan nito. Hanggang sa lumipas ang linggo, buwan walang Fermin na dumating. Isa pa sa pinag-aalala ni ate ay ang nalalapit na pag-uwi ni kuya Edmundo. Dinala ni ate Stella sa aming mag-asawa ang sanggol na apat na buwan na ang edad. Napakagandang bata. Ipinaliwanag ni ate sa ‘kin na hindi puwedeng abutin sa kanya ni kuya ang bata dahil baka isipin nito na siya ay nangaliwa. Kahit pa siguro ipaliwanang niya kay kuya ay hindi siya mauunawaan dahil sarado ang isipan ng asawa niya sa mga ganoong usapin. ‘Yung tipong nagkakaroon  kaagad nang kunklusyon sa mga bagay na hindi naman sigurado ang pinagmulan ng storya. Iwas away nilang maga-asaw kaya minabuti niyang dalahin sa akin ang bata. Agad naming tinanggap ang bata sapagkat nagkaroon ako ng kumplikasyon matapos kong mairaos ang anak naming na  si Kent. Ang sabi nang doctor ay hindi na ako magkakaroon ng pagkakataaon na magdalang tao muli. Kaya’t tinanggap naming ang bata. Pinabinyagan namin ang bata sa aming apelyido. Binihisan, pinag-aral at itinuring na amin. Kaya’t ako’y nalulungkot dahil parang nahuhulaan ko na ang mangyayari dahil sa tagal nang panahon na hindi namin napaguuspan ang tungkol kay Maan. Narito na kami ngayon sa bahay ng aking ate. “Ang bilis ninyong nakarating. Hindi ba kayo natrapik?” si ate na agad kaming pinangbuksan nang gate. Nagbeso-beso kaming magkapatid. Tila sabik na sabik kaming dalawa. Kaming dalawa lang ni ate ang narito sa Pilipinas nasa malalayong bansa ang tatlo pa naming kapatid na mga babae din. “Smooth lang ang naging biyahe namin ate” ako. “Si Kendrick ate mayroon akong pasalubong sa kanya?” “Si kuya Ed ate?” ang aking asawa. Agad hinanap kay ate si kuya siguro’y hahamunin ng inoman. “Nasa loob kanina pa kayo hinihintay mag-iinoman daw kayo Bert. Teka kumain muna kayong mag-asawa.” Masaya ang naging kuwentohan namin siguro dahil madalang kaming magkita-kita sa text lang kami madalas mag-kausap.Tuwing may okasyon naman ay halos hindi rin nagkikita-kita dahil may sari-sarili na kaming pamilya. Narito na kami nang ate ko sa salas para samahan ang mga asawa namin sa kanilang pag-iinom. Pareho kaming hindi umiinom ni ate tamang taga-pulutan na lang kami. “Eva alam ko napamahal na sa inyong mag-asawa si Maan. Pero alam naman natin na hindi tayo ang totoo niyang kamag-anak.” Panimula ni ate sa totoong dahilan nang pagdalaw namin. “At alam natin na darating ang araw na ito.” Pagpapatuloy ni ate. “O-oo ate naihanda na namin ang aming sarili na darating ang araw na may babawi sa amin kay Maan. Kung puwede lang namin hindi ibalik si Maan at amin na lang ay alam kung hindi pupuwede. Kaya lang ay hindi pa namin napag-uusapan kung paano ipaaalam kay Maan ang lahat. Masasaktan ang batang ‘yon. Kami na ang kinilala niyang magulang. Pero gaya nga ng napagkasunduan namin ni Ama ay bukal sa kalooban namin na ibalik sa totoong mga magulang niya ang bata” ako na may konting luhang nagbabadya.. Napatingin lang ako kay Ama na alam kong may lungkot din siya sa kanyang mga mata. Pero pilit tinatatagan sapagkat alam ko na gusto niyang ipakita na kaya niya!   “Alam kong napalaki ninyo nang mabuti si Maan pero alam ko rin na hindi niya kayo malilimutan.” Si ate na pilit kinakaya na huwag lumuha sa aming harapan. Kapareho ko rin na napamahal na sa bata. Pero ako. Ako ‘yong tumayong ina kaya napakasakit na mawawalay na sa amin ang aming bunso. At alam din namin na kung kami ang nasa sitwasyon ng mga totoong magulang ni Maan ay tiyak na ibibigay din sa amin ang bata. Napasarap ang inuman nang magbilas inabot na ng alas dos nang madaling araw kaya dito na kami natulog sa bahay ni ate. Itinext ko na lang ang mga bata kung ayos lang ba sila at nagsasabing mga bandang alas tres na ng hapon kami makakauwi  at sinabi may mahalagang pag-uusapan kaming pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD