Chapter 4

1284 Words
Be my girl Laking gulat ko ng sinubukan kong buksan ang pintuan para makalabas at hindi na ito naka lock. Lumabas ako sa ayaw at gusto niya dala dala ang uniform t-shirt ko at agad ko itong isinuot at walang tigil parin ang pag iyak ko. Paano kung hindi ako nag makaawa sakanya? Baka kung ano na ang nangyari saakin. Ikaw ba naman makulong sa cr at kasama ang lalaki iyon. Medyo dumidilim na at nakita ko ang dalawa kong kaibigan na nandoon parin sa inuupuan nila hinihintay ako. "Andey, ano? ang tagal mo naman! " reklamo nila. Pero hindi ko sila pinansin at kinuha ko na lang ang bag ko sa kanila Medyo humupa na ang luha ko. At pansin kong titig na titig silang dalawa saakin. "A-anong nagyari sayo girl?!...naipit kaba sa pintuan ng cr,na lock ka ba,ano?" ramdam kong nag aalalang tanong ni Ice. Hindi ko sila pinansin " let's go" yun na lang ang tangi kong nasabi sakanila hanggang sa nakauwi na ako pati sila. Isusumbong ko talaga iyon kay mama. Hindi ko ito palalampasin. Hindi biro yung ginawa niya saakin. Ipaoakulong ko yung hayop na yun. Nakita ko si mama na nag lalaptop at nag aayos ng mga papel, nakita rin niya ako kaya pinuntahan ko na siya ng bigla nanaman akong naging emosyon. "Andey matagalan ka-" hindi niya tinapos dahil siguro sa gulat sa bigla kong pag yakap sakanya at bumuhos nanaman ang luha ko. "Mama..." "A-anong problema Andey...bakit ka umiiyak A-anong nagyari?" ramadam ko ang pag aalala sa tono pa lang niya. Syempre Nanay ko siya normal lang na mag aalala siya saakin dahil anak niya ako. "Ma..." Hindi ko matuloy dahil sa nalutang ako bigla. Paano kung sasabihin niya ito kay papa malamang mag aalala yun nasa Ibang bansa panaman siya. Paano ko ito sasabihin? gustuhin ko mang sabihin pero alam kong mag aalala sila ng lubos. "A-ano yun?, Andey anong problema?, Tell me?" Pag aalala Niya. Paano ko ito sasabihin? Gagawa na lang ba ako ng Ibang idadahilan kung bakit ako umiiyak? Pero ano naman ang idadahilan ko? "W-wala po...naalala ko lang po bigla si.....papa" alam kong mababaw na rason iyon sakanya para umiyak ako ng ganito. Pero wala na akong iba pang maisip e. Pasalamat kang Luhence ka! hindi kita isinumbong! "Iyon lang naman pala...wag ka nag umiyak, sigurado miss kana rin ng papa mo." Kinabukasan pumasok ulit ako dahil may klase pa kami kahit tapos na ang exam namin. Pero unang bungad ko palang sa gate pag mumukha na nang lalaking iyon ang unang nakita ko kasama ang mga hinayupak niyang mga kaibigan. Pinipilit ko na alang mag panggap na hindi sila nakita at dadaretso na sana ako sa pag lalakad at lalampasan nila ng bigla hinawakan ang braso ko. Inis ko siyang binalingan gamit ang Galit kong mukhang. At galit na tinanggal ang kamay niya sa braso ko na parang nandito. Yes! Nandidiri talaga ako sa kanila sa totoo lang!. "Ano ba?!" Sigaw ko sakanya na siyang dahilan kung bakit bigla silang napatingin sa banda namin. Inis na akong naglakad papunta sa room namin halos tumakbo na ako dahil baka masundan nila ako. Umupo ng padabog sa upuan ko dahil nasira nanaman ang araw ko dahil nakita ko nanaman ang limang mga demonyo iyon. Napansin ata ni Abby ang padabog kong pag upo kaya sinulyapan niya ako. "Andey,nga pala pumunta si Anthony kanina dito kasama yung mga kaibigan niya tinitignan ata kung meron kana pero napansin ata nilang wala ka pa kaya umalis na sila...nakita ka naba nila?" ani Abby "Oo sa may gate" tamad ko siyang sinagot dahil medyo inis nanaman ako ngayong araw na ito. Ano bang kailangan nila saakin? yun ba? Yun ba,yung sinabi niya kahapon sa cr? Manigas siya hindi ako tanga para maging babae niya. " Ang gwapo niya ,no? mayaman pa sila, pero badboy lang kasi siya medyo hindi sineseryo yung pag aaral at nasasangkot pa sila ng mga kaibigan niya sa g**o pero matalino naman siya kahit ganon with high honor pa nga e..." Halata ko nga... high honor lang naman iyon dahil mayaman ang pamilya nila, malamang binili yung grade. "You know what Andey,...." ani niya Binalingan ko siya dahil sa sinabi niya at pansin kong titig na titig siya saakin. "...,maganda ka kasi at matalino...kaya ka siguro niya natipuhan" ani niya, at medyo may lungkot nanaman sa tono niya. " Maganda karin naman at matalino, ah? At marami pa diyang iba na mas perfect saakin mas match sakanya pero bakit ako ang ginugulo ng hinayupak na iyon "sabi ko " pero halatang ikaw yung tipo niya. Hindi rin kasi maikakaila that you grab attention" she said with smile. " Thank you. Pero hindi naman masyado" sabi ko. Natapos na namin lahat ng exam, 11:30 na at hinihintay ko nanaman ang mga gold kong kaibigan. Natatakot nanaman ako baka sumulpot na naman ang mga lalaking iyon dito. At sa malayo pa lang ay hindi nga ako nag kamali. Umupo sila sa bakanteng upuan sa harap ko at inilapag ng mga kaibigan niya ang mga pagkain na dala nila sa mesa. Hindi ko sila pinapansin dahil bahagya na namang kumulo ang dugo ko. "Let's eat." ani niya Hindi ko sila pinapansin, gusto ko ng umalis pero hihintayin ko pa ang mga kaibigan ko. Kainin niyo lang, baka may gayuma pa yan magayuma pa tuloy ako. "Andey,kain tayo " sabi ni Justine dahil kilala ko siya. Sige kain lang kayo. Kainin niyo yang pagkain niyong may gayuma. Hindi ko parin sila pinapansin, nag kunwari ako walang naririnig at hindi sila nakikita. Hayss! relax Andey... "Miss, kain tayo, I know what's on your mind don't worry malinis to walang halo kahit ano" ani niya at tumawa na parang hangin lang. Damn! Bwisit talaga kayo! Ano bang gagawin ko para layuan ako ng mga ito?! Hindi ko parin sila pinapansin. They don't deserve my attention. "Can you hear us?, Why don't you talk?" tanong Anthony na ito. bakit ikakamatay mo ba pag hindi ako nag salita. Hindi ko parin sila pinapansin kahit na naiinis na ako sa munti nilang tawanan at titig saakin. Pinag tatawanan ba nila ako? "Why you're so speechless" nairita na ata itong Anthony na ito dahil sa hindi ako umiimik. Kung naiirita ka mas naiirita ako!. Kaya tumayo na lang ako at aalis na bahala na yung dalawa kong kaibigan lagi ko na lang silang hinihintay, lagi ko na lang nakikita itong mga hayop na ito dito. "Please po... mag mamakaawa po ako... marami pa po akong p-pangarap... maawa ka... Please" napahinto ako sa sinabi ng walang hiyang Anthony na ito. Iniinsulto talaga nila ako. Humarap ako sakanila. Hindi ko pinahalata na naiinis ako sa Insulto nila. Pero konti na lang konti na lang... "Please po... Please..." sinubukan kong magtimpi ulit pero punong puno na ako ng galit at inis. Dahil sa sobrang na talaga ang galit ko. Feeling ko pag hindi ko ito ilalabas sasabog ako. lumakad ako pabalik sa lamesa kung nasan sila nakaupo at naka halikipkip. Hinampas ko ang lamesa ng sobrang lakas wala na akong pakealam kung sumakit paman ang palad ko. Gusto kong umiyak dahil sa inis, at galit. But I'm not weak. " Iniinsulto nyo ba ako? Kung wala kayong magawa sa buhay niyo humanap kayo ng mapag kakaabalahan at wag niyo akong idamay. Lalo kana..." sigaw ko sa kanila at itinuro ko ang Anthony na ito. Ginagalit talaga nila ako, rardam ko. " Stop insulting me! dahil wala kang mapapala. Pasalamat ka hindi isinumbong sa ginawa mo saakin kung hindi... baka kulong kana ngayon! " sigaw ko sakanya at inis na umalis. Wala akong pakealam kung pinag titingan nila ako. Hindi ako mataray, sadyang palaban lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD