Bandang hapon, habang ang araw ay papalubog, abala si Meriam sa kanyang opisina. May hawak siyang tablet at nagre-review ng mga upcoming bookings sa resort. Ang isip niya ay tila kalahati sa trabaho, kalahati sa naunang eksena kasama si Adrian Valdez kanina. Hindi niya maiwasang maalala ang intensity ng tingin nito sa kanya. Parang hindi lang basta business interaction. “Ma’am?” Napalingon si Meriam nang marinig ang boses ni Alyana. Nakatayo ito sa pintuan, may hawak na envelope at may halong kaba sa mukha. “Good afternoon po, Ma’am.” Napangiti si Meriam. “Good afternoon, Alyana. Ano iyon?” Lumapit si Alyana at inilapag ang envelope sa mesa. “Ma’am… invitation po mula kay Mr. Valdez. Para sa dinner mamayang seven o’clock.” Napakunot ang noo ni Meriam. “Dinner?” tanong niya. “Opo

