Pagkatapos basahin ang quest, tumalon ako paalis ng kama. Walang oras para sayangin. Kinailangan kong pumunta kaagad sa Drakonia Medical Center! Umalis ako ng bedroom at pumasok ng living room, maingat na tumingin sa paligid. Kahit na hindi malaki ang living room, pantahanan ang mga dekorasyon. Lahat ay malinis at maayos. ‘Kahit papaano sa panlabas na anyo, mukhang maganda ang samahan namin ni Kylie. Mukhang mahal namin ang isa’t isa ng sobra. Ito ba talaga ang kaso?’ Nagiisip ako habang kinakamot ang baba ko. Pagkatapos iwan ang magandang bahay, nakarating ako sa kalsada. Tumayo ako sa U-shape na intersection, ang ‘tahanan’ ko ay nasa dulo nito. Kahit na maliwanag ang mga streetlight, wala akong nakitang kahit anong kotse o tao sa paligid. Para bang ako lang ang natatangging tao sa buo

