Chapter 1: The Orphanage

2017 Words
Stephanie's POV Biyernes ng hapon ng maaga kaming lumabas sa office ni Daddy. Binabaybay namin ang daan patungo sa Tagaytay para bisitahin ang Alonzo Charity na naging routine na namin iyon para makabonding ang mga tauhan duon. Nang makarating kami ni Daddy sa Alonzo Charity Office ay nag beso-beso kay Mommy. Nagpaalam ako sa kanya na pupunta kami ni Brandon sa Orphanage. Si Brandon ang pinagkakatiwalaan ni Daddy tungkol sa seguridad at kaayusan ng charity maging sa bahay namin dito sa Tagaytay, dahil kada week-end lang kami nandito at kada linggo ng gabi ay umuwi kami ng Manila. Kaedaran ko si Brandon, matikas, maganda ang paghubog ng katawan at higit sa lahat gwapo ito na kamukha niya si Coco Martin. Masayahin at mataas ang sense of humor. Katiwala siya pero itinuturing ng aking magulang na anak at kapatid naman siya sa akin. Mabait at maalalahanin lalo sa Alonzo Charity. "Good Afternoon, Miss Alonzo," bungad niya sa akin na matamis ang kanyang ngiti. "Ready ka na ba?" "Yes, let's go na," sabi ko kanya. Nasa daan kami patungo sa orphanage, dala namin ang mga rasyon na gaya ng bigas, biscuits, noodles at marami pang iba. May mga dala din kaming mga damit para sa mga bata. Sigurado matutuwa ang mga bata duon kapag makita nila ang mga ito. Ito ang maganda sa parte aming pamilya, ang makatulong sa iba. Panay kuwento si Brandon habang nagmamaneho. Tahimik naman akong nakikinig pero ng sinumpong siya ng mataas na sense of humor, wala na tawa rin ako ng tawa dahil nakakadala din ang kanyang mga jokes. Humahawak pa ako sa aking tiyan dahil di ko mapigilang humalakhak. Nag-eenjoy naman itong si Brandon habang may natutuwa sa kanyang mga jokes. Nakarating kami ng matiwasay, halos magsi takbuhan ang mga bata ng makita ang sasakyan ni Daddy na minamaneho ni Brandon habang papunta sa parking lot upang mag parking. Kung hindi lang sila pinipigilan ay malaman nagtatakbuhan papunta sa sasakyan. Ang iba, tumatalon pa sa saya. Nakangiti na lamang ako habang nasa loob pa ng sasakyan. "Ate, Stephanie!" sigaw ng mga bata ng makita ako palabas ng sasakyan. Kumaway ako sa kanila at nag flying kiss pa saka ko naman tinulungan si Brandon sa pagkuha ng mga dala namin. Dalawang beses pa siyang bumalik at duon na ako sumabay sa kanya pagpasok. Umalingawngaw sa ingay ng mga bata ang kanilang function hall. Duon sila nagtitipon kapag may dumating na bisita. Sinalubong kami ng yakap ng mga bata pati si Brandon ay yakap rin nila. Binuhat niya si Dahlia na siyang pinakabata sa lahat dahil tatlong-taong gulang pa lamang siya at baka maapakan. Si Dahlia ay mestisa, mahaba ang pilikmata, kulot ang mahabang buhok at malambing na bata. May yumakap sa dalawang hita ko samantalang may yakap pa ako. Humalik din sila sa aking pisngi. Halos lahat sila ay humalik sa akin mahigit silang trenta. Makikita sa kanila na sila ay alagaan ng maayos. Parang mga bagong paligo pa nga. Naamoy ko ang kanilang shampoo at sabon na ginamit. Hinahayaan kami ng mga taga- bantay na makasama muna namin sila ng matagal. Nang oras na para mag merienda, kami pa rin ni Brandon ang nag-asikaso sa kanila. Ako naman ang nagbuhat kay Dahlia habang inaasikaso namin ang iba pang mga bata. Ng nakatapos na lahat, lumabas kami sa may playground habang nasa loob pa si Brandon na hanggang ngayon inaayos pa rin ang mga dala namin. Nakipaglaro ako sa mga bata, nagtatakbuhan sila sa sobrang saya at ganun din ang naramdaman ko. Pagkatapos ng takbuhan ay nagkwentuhan naman kami. Pagkatapos namin sa labas ay pumasok na kami sa loob. Tumulong kami ni Brandon sa pagpapakain ng kanilang pang gabihan hanggang inabot na kami ng alas-siyete ng gabi. Nagpaalam na kami ni Brandon para umuwi na. Kumain muna kami sa isang restaurant bago tuluyang makauwi. Dahil sa pagod ko ay nakatulog ako sa biyahe kahit malapit lang. Nasa looban na kami ng bahay ng gisingin ako ni Brandon. Pagkatapos niya akong ihatid ay umuwi na siya. Pagkatapos ko bumati s aking magulang ay nag tambay muna ako sa sala habang nanunuod ng TV. Nag-uusap naman ang magulang ko sa di kalayuan sa kinauupuan ko pero di ko marinig kung ano ang pinag-uusapan nila. Na boring ako sa panunuod kaya nagtungo ako sa may swimming pool. Maliligo muna ako dito. Nagpunta muna ako sa comfort room sa tabi ng pool kung saan my special room na kinalalagyan ng gamit pang swimming kasama na ang tuwalya. Nagbihis ako ng paborito kong two-piece. Nagbanlaw ako at lumusong sa pool. Lumangoy ako ng lumangoy. Wala pang kinse minutos akong lumalangoy pabalik-balik sa pool ng makita kong lumabas mula sa kusina ang mga magulang ko dala-dala ang dinner namin. Nagtungo sila sa may gazebo sa gitna ng hardin. Nakailang ahon at lusong pa ang ginawa ko bago ako sumunod sa gazebo para kumain muli dahil nakaramdam ako ng gutom. Pagkatapos ko kumain ay nagpahinga kunti at itinuloy ang paliligo ko pero kasama ko na ang mga parents ko sa paliligo. Nagising ako na maaliwalas ang aking kwarto, nakataas ang kurtina at pumapasok ang malamig na hangin sa nakabukas na balcony. Nakapatay ang aircon kaya presko ang hangin.Naghalo ang init at lamig sa labas. Bigla ko naisip na sabado ngayon, mamasyal kami sa mga pasyalan dito. Bumaba ako para kumain ng pang-umagahan. Ako na lang pala ang hindi kumain. Nagulat na lang ako na nakabihis na ang aking mga magulang. Binilisan ko kumain para maligo at magbihis. Dinala ko ang aking digicam dahil marami akong makuha ang magandang tanawin. Sigurado, marami akong maipopost sa aking i********: account na mga views ng Tagaytay. Nagsimula na kaming maglibot kasama ko sila Daddy at Mommy ko. Pati mga rides pinatos namin para kaming mga bata at masaya ako dahil hindi killjoy ang parents ko dahil pareho ang mga gusto namin. Punong-puno ang aking digicam sa mga litrato naming pamilya lalo na ako. Nang magutom ay kumain kami sa isang restaurant. Pagkatapos ay umikot na naman kami. Nakakapagod pero masaya dahil bonding naming pamilya. Bago mag alas-siyete ng gabi, umuwi kami agad sa bahay. May ibang lakad pa kami at ito ay dinner daw sa kumpare ni Daddy. Sa isang mall kami nagpunta. Pagdating namin ay lumapit kami sa may mag-asawang nakaupo sa mesa na sa tingin ko pareho lang ang edad sa magulang ko. Nag beso-beso pa sila, pagkatapos ng magulang ko, nagmano naman ako sa kanila. Hindi ko sila matandaan dahil matagal na panahon at ngayon lang ako ulit makasama sa dinner ng mga kaibigan ng magulang ko. "God bless you, hija," sabi ng nakangiting mag-asawa. "Salamat po," sagot ko sa kumpare ni Daddy. "Dalagang-dalaga na ang inyong anak," sabi ng Ginang kay Mommy na sumulyap pa sa akin. "Oo nga, Amiga," saad ng aking Mommy. Dahil nakahanda na ang pagkain, kumain na kaming lahat. Pagkatapos ako kumain ay nagpaalam ako para magpunta ng washroom. Pagkatapos kong gumamit ay tumawag na lang ako kay Mommy na mgsashopping muna ako. After retouched diretso ako sa Ladies Section para makapili ng mga bibilhin ko. Maliban sa mga dresses bumili na ako ng iba pang gamit ko. Nakaabot na ako ng isang oras sa kakaikot dito sa mall. Papalabas na ako ng tumawag si Mommy na naghihintay na sila sa parking lot. Mabilis kami nakarating dito sa bahay mula sa dinner. Dumiretso ako sa kuwarto agad pagkatapos ko mgpaalam sa aking mga magulang. Bitbit ko ang mga pinamili ko na agad ko niligpit pagka dating ko ng kwarto ,nilagay ko sa aking aking closet. It's been a busy day for my family. Napaaga ako ng gising ng maramdaman ko ang maingay sa sala. Bumaba ako mula sa aking kwarto, nakita ko si Mommy na nagzuzumba pala. May ginagaya siyang mga hakbang sa telebisyon. Sa edad ni Mommy ay sexy pa rin ang katawan, alaga eh tapos nag-iisa pa akong anak. Pinapanood ko siya pagkatapos ko nanggaling sa kusina para magtimpla ng aking kape. Pampagising sa natutulog ko pa yatang diwa. Iniisip ko nga kung naalimpungatan pa lang ako. Pero hindi dahil gising na talaga ako Ng nararamdaman ni Mommy ang presensiya ko, lumingon at napangiti sa akin. "Want to join,hija?" tanong ng Mommy ko habang gumagalaw ang katawan. Malambot ang kanyang katawan kaya maganda itong tingnan lalo pa kapag sexy dance. "No, I am sexier, thank you!" sagot ko. Pagkarinig ni Mommy sa sinabi ko ay humagalpak ng tawa. "Whatever!" I uttered. Umakyat ako muli papunta ng aking kwarto hindi upang matulog kundi nagpunta ako sa may balcony para duon ko ubusin ang aking kape. Inabot ko sa loob ang aking cellphone upang makaonline, scroll up and down ako pero wala pa online sa mga friends ko. Namimiss ko sila dahil chat at video call ang communication namin mula nang makauwi ako mula sa Germany. Busy na rin sa mga trabaho nila gaya ko. Wala pang makausap kaya post muna ako ng mga pictures ko sa aking i********: account. Nang makita ko ang oras, alas-siyete na pala. Bumaba ako ulit para mag break fast. Nasa hagdanan pa lang ako ay amoy ko na ang luto ng magulang ko. Sila ang nagluluto sa bahay at bonding na nila iyon kapag week-end. Kapag sabado at linggo wala kaming mga trabaho at wala din pasok ang mga nagtatrabaho sa amin, maliban sa Office ni Daddy dahil may trabaho sila ng half-day kapag sabado. Marunong din ako sa mga gawaing bahay dahil natuto ako sa penthouse ni Lolo sa Germany. Sinadya ng mga magulang ko na gawin akong independent at naging masaya sa resulta ko. Di ako nahihirapan kahit wala pang maid. Lalo na at may condo unit na binili ni Daddy para sa akin. Dahil sa kakaisip ko diko namalayan sa labas na pala ang napuntahan ko. Nadaanan ko na ang kusina pero bumalik na lamang ako. Buti na lang hindi ako napansin ng magulang ko na abala sa kanilang pagluluto. Nang makita ako ay niyaya na ako para kumain. Pagkatapos namin mag breakfast ay naligo na at nagbihis ako dahil magsisimba kami. Magpasalamat kami sa Diyos sa lahat ng bagay na aming natanggap. Pagkatapos ng church service, manunuod kami ng sine. Kung sa dati magulang ko ang pumupunta sa Germany kada buwan para mapunan ang mga ito nuong estudyante pa ako, ngayon weekly na namin ito ginagawa. Masaya kaming kumain sa isang restaurant, ito ang parte ang pinakagusto ko pang-mayaman man o simple lang na kainan ay ayos lang sa kanila. Nag-eenjoy pa sila sa mga simpleng pagkain, kung sabagay masarap ang mga pagkain dito at higit sa lahat presko ang hangin na nanggaling pa sa Taal Volcano. Nasa itaas kami banda kitang-kita ang magandang view. Maraming tao dahil Sunday, it's "Family Day." Pagkatapos naming kumain ay papunta kaming sinehan ng makita namin ang pamilya ni Brandon na namamasyal din sila. Matapos ng maikling kwentuhan at kumustahan nagpaalam na kami para bumili ng tickets para makapasok sa loob ng sinehan. Bago ako pumasok bumili muna ako ng merienda at popcorn dahil mahigit dalawang oras ang movie. Maganda kasi ito dahil paborito ko ang papanuorin namin, ang "Jumanji." Kakaunti pa lang ang tao ng makapasok kami sa loob. Ilang minuto pa ay nagsimula na. Nanunuod na kami ng movie pero pansin ko na may pinag-uusapan ang magulang ko. Hindi ko naririnig ang pinag-uusapan pero nakikita ko ang ekspresyon ng mga mukha nila. Kahit kailan business-minded sila na kahit sa loob ng sinehan o sa napakaraming tao, anduon pa rin ang topic nila. Hindi naman malakas ang kanilang boses, sapat na marinig ko. Hindi ko maiwasan na humanga dahil magaling si Daddy sa mga suhestiyon. Si Mommy naman ang taga-advise kay Daddy. Narinig ko ang clue na pinag-uusapan ang parents ko ang pagkakaroon ko ng bodyguard. Naitaas ko naman ang isang kilay ko dahil kung kailan magkaroon ako ng bodyguard ay si Daddy ang nakakaalam. Sa ngayon ienjoy ko muna ang bonding namin ng mga magulang ko. Pagkatapos namin sa sinehan ay maaga kaming nagdinner. Umuwi sa bahay, nag gayak at nagsimula na kaming mag biyahe pauwi ng Manila kasama si Mommy, dahil may aasikasuhin sa Office regarding sa Charity.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD