Chapter 4: My New Body Guard

2092 Words
Stephanie's POV Linggo ng gabi ay lumuwas kami pauwi ng Manila. Si Carl, ay sumabay sa amin pagbalik ng Manila gamit ang kanyang sariling sasakyan. Bukas ay makakasama ko siya sa trabaho. Bukas pa naman 'yon pero excited na agad ang aking sarili. Sa dinner pa lang namin nung nakaraang araw ay na-orient na siya ni Daddy. Hinggil sa kanyang trabaho, ang pagiging aking bodyguard. Ang dami naman nilang kasunduan ni Daddy? Ang naintindihan ko lang ay ang huwag akong pabayaan. Ipinagkatiwala talaga ako ni Daddy sa kanya. Father's instinct nga naman. Alam nila kung mapagkakatiwalaan ang isang tao pagdating sa proteksyon ng anak. Pasalamat ako dahil pinapangalagaan ni Daddy ang aking seguridad. Buong akala ko, matanda ang magiging bodyguard ko dahil ganun ang mga napapanood ko sa TV, pero ng makita ko siya noon sa dinner ay nagtataka ako. Paano ba naman kasi, siya ang lalaking nakausap ko sa hospital na hindi man lang nagpakilala sa akin. Hindi lang 'yon, minsan bigla na lang umeeksena sa isipan ko. Lalo na ang malungkot niyang mga mata na kung tumitig ay parang natalo ng milyon. Bakit ko naman siya iniisip ngayon? Ano ba 'yan, siya na naman? Mas lalo pa siyang naging gwapo ng ngumiti kay Daddy at hindi na masyado malungkot ang kanyang mga mata. Napangiti ako habang nag-isip, nasa likod ako nakaupo sa sasakyan ni Daddy, buti na lang hindi ako napansin ng parents ko. Nasa passenger's seat si Mommy, katabi ni Daddy na nagmamaneho. Nagulat ako ng tumikhim si Daddy, nakaayos ako ng pag upo.Hinawakan ko pa ang aking dibdib para makahinga ng maayos. Naguguluhan naman akong tumingin sa harap. "Akala mo di ko nakita, kumikislap ang iyong mga mata. Para kanino ba iyan, hija?" "Ususero ka, Daddy!" Sumimangot ako at umirap muna saka ako tumawa, sumabay naman si Daddy na tumawa. Lumingon si Mommy sa amin at ngumiti rin. At least, naging masaya ang aming biyahe. Matapos ang aming pagtawa ay tumahimik kaming muli. "Tomorrow, Carl and you, will accompany each other. Behave and be a good girl." "Yes, Daddy." Ang tugon ko sa kanya. Nakarating na kami sa aming villa pagkaraan ng tatlong oras. Nauna na akong pumasok at umakyat sa ikalawang palapag, kung nasaan ang kwarto ko dahil inaantok na ako. Dahil sa mga activities na ginawa ko ngayong weekend kaya napagod ang katawan ko. Masaya naman ako dahil sa mga nangyari sa weekend na ito. Mukha niya ang nasa sa isipan ko. Makikita ko naman siya bukas. "Please, self, matulog ka na." Pinakiusapan ko ang sarili ko dahil palalim na ang gabi. Baka maging zombie na ako bukas, kung di pa ako makatulog ngayon. Sa pagkakaalam ko late ako nakatulog kagabi pero maaga ako nagising. Alas-otso ang pasok ko sa trabaho pero alas-singko pa lang mulat na ang aking mga mata. Excited na ata ako pumasok ngayon? Dahil ba sa makakasama ko na ang bagong bodyguard ko? "I'll see him later," bulong ko sa hangin. Di ko namalayan nasa kusina na pala ako at may iniinom na akong kape. Nakaupo na nakatunganga sa mesa mag-isa. Dahil sa kakaisip ko ay di ko namalayan na may kasama na pala ako. "May sinasabi ka ba, hija?" Halos mabitawan ko ang hawak kong tasa ng kape ng marinig ang boses ni Daddy. Tumingin ako sa kanya agad dahil sa gulat. Kumunot pa ang kanyang noo ng makita ang aking reaksyon. Nagbaba ako ng tingin saka nilapag ang baso sa mesa. "What's happening to you?" Ngumiti ako kay Daddy, para ipakita na okay ako. He just came back from exercise dahil pawis na pawis ito. Nagpupunas siya para patuyuin ang kanyang katawan. Hindi umalis sa kusina hanggat di ako sumasagot. "Nothing, Daddy," I said in almost a whisper. "Ah, I thought you are talking," saad niya saka tumalikod sa akin paglabas ng kusina. Pagkarating namin ng opisina ni Daddy, ay maingay ang halos na kababaihan na mga empleyado. Nagkakagulo sila,dinig na dinig ko ng malapit na kami sa pinto. Papasok na ako sa pintuan ng opisina kung saan ako nagtatrabaho bilang staff ay nakita ko na nakatayo si Carl. Ang aking bodyguard at ito ang unang araw niya sa kanyang trabaho. Nakasuot ng puro itim na suit pero puting polo ang nasa loob. May headset sa tainga at nakashades pa. Ang gwapo niya sa itsura niya na siyang nakapag tulala sa akin. First time akong makaramdam ng ganitong paghanga sa isang lalaki at sa kanya pa. Tumikhim muna ako para agawin ang kanyang atensyon. Lumingon ito sa akin kaya ngumiti ako. Close-up smile ang iginawad ko sa kanya mula sa aking labi. Kaso hindi siya ngumiti pabalik at walang response talaga. Kahit ga'non pa man, nagmistula akong pormal na parang wala lang. Kailangan ko na ata masanay sa malamig na pakikitungo niya sa akin gaya ng pinakita niya sa akin sa dinner namin noon. "Good morning, kuya guard," pagbati ko sa kanya. "Good morning too," sagot niya in a formal voice. Tiningnan ko ang kabuuan niya. Nakatindig paluwag siya at nakatikas pahinga. Hindi ko alam na pareho pala kaming pinagmamasdan ang isa't-isa. Hindi siya gumagalaw pero ang mga mata niya ay nakamasid, iyon ang nakita ko dahil nasa gilid niya ako. Iginaya ko ang mga mata ko habang papunta sa aking work area para makita ang mga ibang empleyado. Nakita ko naman ang mga friends ko na nakangiti sa akin. Pinag taasan ko sila ng kilay. Itinaas ko ang kanang kamay ko para ipaalam na mamaya kami mag-uusap. Biglang tumunog ang cellphone ni Carl, lumapit sa akin para magpaalam papunta sa CEO Office. Nag-nod lang ako sa kanya para paunlakan. Pagkaalis ay agad ko itinuon ng pansin ang trabaho ko. Nakita ko sa monitor ng computer ko na nasa labas na ng pintuan si Carl. Ang bilis naman ata ng pag-uusap nila ni Daddy? Nakatayo siya na gaya kanina ang posisyon. Malayo siya sa akin pero ramdam ko na sa akin nakatingin kahit may suot pa siyang shades. Biglang kumakabog ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan. Why so handsome? Nai-bulong ko sa aking sarili ng nasulyapan ko siya ulit sa aking screen monitor. Naka side-view siya na naka tikas pahinga pa rin pero pansin ang kanyang kagwapuhan. Nakagat ko ang ibabang labi ko at ngumuso. Concentrate self, pag-uutos ko sa sarili ko. Nagawa ko ang trabaho at nakarami na ako ng natapos. Naisipan kong mag-unat ng aking mga kamay. Ang sarap sa pakiramdam narerelax ang mga kamay ko. Lumingon ako sa mga katabi ko at nabigla ako. What? Ang bigla na lang lumabas sa bibig ko dahil wala na akong mga kasama. Tiningnan ko ang relong pam-bisig kong orasan, di pa ako nakontento kaya sa wall clock ng opisina ako tumingin. Oh my goodness, bulalas ko dahil alas-dose na ng tanghali. Ang oras ng lunch break ay 11:30 hanggang 1:00 pm. Ganun na ba ako kasipag ngayon? Pagtatanong ko sa sarili ko. Tumayo at inayos ang mga gamit ko. Nagretouch muna ako, naglagay ng konting makeup at nag wisik ng pabango. Kinuha ko na ang bag ko, naglalakad patungo sa may pintuan. Nakatayo pa rin ang aking body guard ng nakita akong papalabas na ay nauna na sa may lift. Hinintay niya muna ako, pinauna ako makapasok sa lift bago siya. Marami ang pumasok sa lift kaya punuan ito.Tumabi siya sa akin. Ang tangkad niya dahil hanggang balikat niya lang ako sa height ko na 5'3" malamang nasa 5'7" siya. Ang bango niya, maganda sa ilong ang amoy ng kanyang pabango. Biglang kumakabog ang dibdib ko na parang mga drums na tumatambol na animoy may nag concert sa loob. Nailang ako sa pagkabog-kabog ng puso ko kaya lumayo ako ng konti sa kanya. Nakakahiya naman baka marinig pa niya ito. Ang puso na ito eh nambubuking. Kaka simula pa lang ng tao sa trabaho eh kung makatibok wagas. Huminahon ka self, makakasama mo pa iyan sa mga susunod na araw. Pinakiusapan ko ang aking sarili dahil hindi ako mapakali. Nagitla ako ng biglang huminto ang lift, nasa ground floor na pala kami. Nauna lumabas si Carl saka ako hinintay sa labas. Sabay na kami naglalakad habang palingon-lingon sa paligid. Hanggang sa maabot namin ang cafeteria. Siya ang naghanap ng upuan ko. Pinagmamasdan ko lang siya ng biglang lumingon sa akin. Huli na para bumaling sa iba, sasabihin lang pala kung saan ako uupo. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko,natulala talaga ako sa kagwapuhan niya. Lumapit sa akin si Yvonne, isa din sa mga empleyado at naging kaibigan ko. "As in nakaawang pa ang bibig? Baka makapasok na ang langaw,girl," saka niya ako siniko. Duon ko lang napagtanto ang tinutukoy niya. Tinaasan ko ng kilay si Yvonne. Nagtungo ako sa upuan para sa akin na itinuro kanina ni Carl. Sumunod ang ususerang kaibigan ko. Wala pa akong pagkain ha pero heto kinukulit na ako. Pagdating ko ay ibinaba ko muna ang bag ko. Nakita kong hinihintay na ako ni Carl sa counter para kumuha ng pagkain. Tumayo at nagtungo sa counter at sumabay naman si Yvonne sa akin. "Ang gwapo ng bodyguard mo, girl! Kinikilig na palatak nito. "Eh ano ngayon?" pagtataray ko sapat lang na kami lang ang nakakarinig. Kinurot ako ni Yvonne sa tagiliran ko na nag patili sa akin. Nagkatinginan ang mga tao na nasa cafeteria. Agad akong yumuko para di ko makita ang mga titig nila. "Akala ko ba nauna kayo rito, bakit halos magkasabay lang tayo ah?" Tanong ko kay Yvonne ng nakarating kami sa counter. "May pinuntahan lang ako saglit, kaya ayan nakisabay na ako sa iyo." "Mga ka-trabaho natin, patapos na ata sila?" "Maupo na tayo." sabi ko ng matapos na kaming makakuha ng pagkain. Doon ko nasulyapan si Carl na naghihintay sa mesa. Si Yvonne ay katapat ko ng upuan. Magkatabi naman kami ni Carl. Ito na naman ang pakiramdam ko, nine nerbiyos ako kahit di naman ako tinitingnan pero hindi ako nag pahalata. Kailangan ko kumain ng marami baka mamaya sisipagin na naman ako ng todo sa trabaho. Pagkatapos naming kumain ay nag silapitan ang iba pa naming kasama sa trabaho. Napansin ko na wala na sa mesa si Carl, napatingin ako sa may bungad ng cafeteria anduon na siya na nakatayo. Halos nagbubulungan sila ng makalapit sila sa amin ni Yvonne. Ang gwapo raw ng bodyguard ko. Malas nila kasi ang iba ay may jowa na, ang iba naman ay may asawa na. "Sorry guys umayos kayo, lalo na iyong may mga asawa na diyan!" Pinagtatawanan ang lahat dahilan para makalikha ng ingay sa cafeteria. Kahit alam nila na anak ako ng CEO ay para lang kami magkakaibigan sa lagay na iyon. Mababait sila sa akin at ganuon naman ako sa kanila. Iyan ang kagandahan sa pamamahala ni Daddy sa kumpanya. "Mauna na kami sa inyo," pagpapaalam nila sa amin at sabay-sabay pa. "As in ba kailangan sabay-sabay pa," saad ko. "Oo na mauna na kayo." Sumabay na si Yvonne sa kanila. Pagkaalis nila ay inayos ko ang sarili ko saka ako tumayo. Lumingon ako kay Carl, naroon pa rin sa bungad ng cafeteria na nakatayo na naghihintay sa akin. Ang gwapo ng dating ng gesture niya. Ang swerte ko naman dahil may napakagwapong bodyguard na naghihintay sa akin. "Let's go," sabi ko ng tapat ako sa kanya. Naglalakad kami ng sabay ngunit nauuna pa rin siya sa paglalakad dahil malalaki ang mga hakbang niya. Ganito pala ang may bodyguard si Daddy lang lagi ang kasama ko, ngayon hindi na kundi siya. Ibang tao na pero di bale gwapo naman at crush ko pa. Nahinto na lang ako sa pag-iisip ng nagbukas ang lift. Nasa pasilyo na kami patungo ng work area ko at huminto na siya sa may pintuan. "Salamat." Tuluyan akong pumasok patungo sa work table ko. Nag-aayos ako ng gamit ko ng tumawag si Daddy. Nagpaalam siya sa akin na may meeting siya, nagulat ako dahil ipinaalam niya na sa condo rin matutulog si Carl. This is the first time na ang bodyguard ko ang makakasama ko pag-uwi ganun din sa condo unit ko matutulog. Makapagtrabaho na nga lang , utos ko sa sarili ko. Pakiramdam ko madali ko magawa ang mga trabaho ko ngayon. Iba pala kapag may inspirasyon. Assuming self, kasabay ng pag-nguso ko at tumaas pa ang kilay ko. "Whatever!" "May sinasabi ka?" Tanong sa akin ni Cynthia. "Meron, because I am talking to myself." "Crazy!" Pang-aasar sa akin ni Cynthia. Ganito talaga kami na magkakaibigan. Di matino kapag nag-uusap. Maayos na nagawa ang mga dapat ayusin sa araw na ito. Nag pa-alam na rin ang mga empleyado kasama ang mga friends ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD