Antarah's POV Naalimpungatan ako ng nakarinig ako ng nagbabangayan. Kinusot ko muna ang mga mata ko at tinignan kung sino iyon. Akala ko sila Scarlet na naman pero mali ako dahil si Winter at Hoover ang nakita ko. Nasa eroplano na pala kami. "Please lang Winter wag kang makulit diyan. I'm so sleepy" sabi ni Hoover habang papikit pikit na. "Ede doon ka tumabi kay James. Hoy Scarlet dito ka bilis" sabi ni Winter kay Scarlet. Pero hindi naman makalabas si Scarlet kasi nakaharang si James nasa may bintana kasi siya eh. Walang balak si James na paalisin siya sa tabi nito. "Ano ba ipo ipo palabasin mo ako" sabi ni Scarlet at tinulak tulak si James. Pero hindi natinag si James bagkus ay hinawakan niya sa bewang si Scarlet at pinaupo ulit. Feeling ko may relasyon ang dalawang ito pero hindi

