"ARE YOU HAPPY?" ang tanong ni Ralph sa bata noong mapagod itong maglaro. Naroon sila sa game arcade ng mall na pinuntahan. Kanina pa sila masayang naglalaro ng bata habang nakaupo lang sa isang tabi si Mayo. Mukhang wala talaga itong balak na makisali sa kanila pero todo bantay naman ito sa kanila. "Opo, Tito Ralph, I'm so happy po!" ang tuwang-tuwang sagot nung bata sa kanya. "Well, that's good. Are you hungry? You wanna eat?" Namilog ang mga mata ng bata sabay tango. "Where do you wanna eat?" "Jollibee!" "Okidoki! Jollibee, here we come!" aniya bago ito binuhat upang dalhin sa kinaroroonan ng noo'y nakasimangot na si Mayo. NAGNGINGITNGIT ANG KALOOBAN NI MAYO habang pinapanood ang paglapit sa kanya ni Ralph, karga si Nikka. Ang hudyo at mukha talagang nag-i-enjoy! "Hey, we're

