"WHAT DO YOU MEAN you're extending your vacation? And indefinitely? Merde! Are you out of your mind, Mayo? You cannot possibly do that!" Napapikit ng bahagya si Mayo dahil sa lakas ng pagkakasabi ni Alain. Kausap niya ito sa telepono sa kasalukuyan. She cannot really blame him for reacting that way. Siya ma'y labis na nadi-disappoint din sa mga nangyayari. Pero wala siyang magagawa. Natatakot naman siyang bumalik ng New York sa ganitong sitwasyon, baka kung ano pa ang gawin ng lalaking iyon sa anak niya habang wala siya. Baka kapag umalis siya, wala na siyang anak na babalikan. "I'm so sorry, Al. Things got a little complicated. I'll explain things to you when I get back," aniya. Isang napakahabang litanya pa ang narinig niya mula dito bago natapos ang pag-uusap nilang iyon. But sh

