"Ayun siya!!"
"Habulin niyo!!"
Napatingin ako sa grupo ng kalalakihan na humahabol sa akin. Shoot! Nakita nila ako sa pinagtataguan ko kaya mabilis akong pumasok sa eskinita. Luh. Wala akong mapagtaguan dito! Saka ko na lang napansin na pinapalibutan na pala ako.
"Ha! Hindi ka na makakatakas babae!"
"Tama! Ayaw mo nun, mag-eenjoy ka?" at sumunod ang mga tawanan ng kasamahan niya.
Langhiya! Ang papangit talaga nila!
"Sige na miss! 5 lang naman kami oh! Pagbigyan mo na kami" sabi nung isang kalbo
"Anong lima LANG kayo?! Kung maka LANG ka parang ang dali dali ah!" sigaw ko sa kanila.
Great Grave! Sagot pa more!
"Isa isa naman muna eh."
"Tsaka, madali lang din naman puntang langit eh!"
Nanggigil naman ako sa sinabi niya. Mga gago talaga. Sino naman ang matinong babae na papayag sa gusto nila? Ultimo siguro pokpok eh ayaw. Sarap pilipitin sa leeg. Sumunod pa ang halakhakan nila at pagpupumilit.
Akmang lalapit sa akin yung isa pero dahil humakbang ako paatras. Ang lalakas ng loob nitong mga kalalakihan nato. Ang dugyot naman nilang tingnan.
"SANDALLLLIIII" sigaw ko at napatigil naman sila.
"Ikaw!" tinuro ko yung medyo may itsura. Yung medyo may itsura sa kanila. Oo, yung medyo lang.
"Dito ka" tinuro ko yung bandang medyo rin malapit sa akin. "At kayong apat, lumayo kayo ng sampung metro" utos ko.
"Ano?! Pinaglololoko mo ba kami?" Reklamo nung parang lider nila.
"Aba! Syempre isa-isa! Pano namin magagawa pag malapit kayo?! Ulol!!" sigaw ko kaya wala silang nagawa kundi lumayo.
"Wala pang sampung metro diyan!" sigaw ko ulet kaya lumayo pa sila ng lumayo. Mga uto-uto. Walang ibang ginawa kundi pairalin ang mga ari nila. Tigang na tigang eh noh. May mariang palad naman. Napangisi tuloy ako at tumingin sa lalaking malapit sa akin.
"Ano Miss, hubad na ba ako?" Hindi ko siya sinagot at nakasimangot lang na tinitigan. Kadiri talaga. Hayuf!
"Aba't! Ganito ba natin sisimulan??" Ngingisi ngisi niyang tanong sa akin.
"Lapit ka!" Utos ko at lumapit naman ang gago. Nilislis ko muna ang manggas ng T-shirt ko at hinawakan siya sa balikat. Dibale at marami naman akong stock ng alcohol sa bahay.
Mas lalong lumaki ang ngisi ng gago kaya sisiguraduhin kong mapapatalon siya sa gagawin ko. Sa pagbilang ko ng tatlo, sinipa ko ang junior niya.
"Accckkkk!!!"
Agad siyang natumba at namilipit sa sakit. "Pasensyahan na lang tayo, tol," ani ko at kumaripas ng takbo ng Makita ng iba ang ginawa ko sa kasamahan nila.
"Walang hiya kang babae ka!" sigaw nung isa. Alam ko naman yun.
"Ha-hayop ka! M-magbabayad ka!" sigaw naman nung sinipa ko. "Bumalik ka dito, gago!"
Tsss!! Ano ako tanga? Marami pa akong narinig na mga mura sakanila. Nung makalayo na ako, humarap ako sa kanila at pinakyuhan.
"Ha! Better luck next time mga dugyot!" Sigaw ko sa kanila at umalis na. Medyo dumidilim pa naman na eh baka pagalitan ako ni ate. Sabi ko pa namang mamamasyal lang ako.
SAKTONG pagpasok ko ng bahay ay bumungad sa akin ang ate ko. Kaming dalawa lang simula ng bata pa ako. Wala kaming kinalakihang magulang. Sa tuwing tatanungin ko sa kanya kung sino o nasaan ang aming mga magulang, isang malungkot na ngiti lang ang sukli niya.
Kapag kinukulit ko siya, ngingiti lang tapos hindi na ako papansinin. Hindi ako sanay sa ganung ugali niya dahil nakilala ko siyang mataray at laging madaldal. Kaya simula noon, iniwasan kong tanungin ang tungkol sa paksang iyon.
Saka hindi naman kami naghirap kahit kelan. Ewan ko ba, pero lahat naman ng luho namin nun eh nakukuha. Nakatira kami sa isang mansion tapos may mga kasambahay pa. Hindi naman kami nagtatrabaho ni ate pero hindi kami kelan man nagipit. Siguro mayaman yung mga magulang namin tapos may iniwan silang kayamanan na hanggang ngayon eh hindi pa namin nauubos.
"Saan ka na naman galing? Bakit pawisan ka?" nakapamewang na saad niya.
"Haystt. Tumakbo pa ako, alam na. Habulin ang ganda ko" Biro ko sa kanya pero binatukan lang ako. Punyeta!
"Ang bata bata mo pa para mangarap ng imposible! Sutil na batang to! Ang panget panget mo uy!" sabi niya saka umiling. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Matandang to ah!
"Aba, Sheila. Kelan ka pa natutong magsinungaling? Ang ganda ganda ko nga eh" maktol ko na tinawanan lang niya.
"Kelan ka pa natutong magbuhat ng sariling bangko ha?" tanong niya saka ginulo ang buhok ko. Oops, wrong move hija!
"Awwwwwww!!!" daing niya ng sinabunutan ko siya. Ha! Ang ayoko sa lahat, ginugulo o hinahawakan ang buhok ko without my permission.
"Diba sabi ko sayo, guluhin mo na ang lahat sa akin, wag lang ang buhok ko!" gigil kong sabi sakanya.
"Gaga ka talaga. Ginulo k-ko lang naman ah!"
At dahil hindi papaawat ang bruhang Shiela na to, nakipagsabunutan din.
"Ah basta! Walang gagalaw ng buhok ko ng basta basta!"
"Akala mo, aatrasan kitang babae ka ha!" sabi niya na may halong panggigigil habang sinasabunutan ako.
"A-arayyy! Yung anit ko! Walang hiya ka Shiela!" saad ko saka hinila ang buhok sa may batok niya at hinila pataas.
"Bwiset. A-aray! Ang sakitt, tama na!" kasabay naman nun ang pagbitiw niya sa buhok ko. Binitawan ko naman agad siya saka tinaasan siya ng kilay.
"Akala ko ba di mo ako aatrasan?"
"Oo na. Kahit kelan talaga, iba ang bagsik mo. Hindi ka talaga nagpapatalo!" dabog na sabi ni ate sakin kaya proud naman akong tumingin sa kanya. Kahit kelan, hinding hindi ako susuko sa kahit anong laban noh.
"Si Grave Castillo ata to noh!"
"Tss. Oo na, may pasok ka na pala bukas. Punta ka na sa kwarto mo at ihanda ang mga gamit mo. Ihahanda ko lang ang kakainin natin ngayong gabi"
I nodded as a response saka ako nagpuntang kwarto. Nang maiayos ko na ang mga gamit ko at nakapagligo na rin ng alcohol, saka naman ako bumaba at diretsong hapag kainan. Pansin kong tahimik si ate Shiela habang kumakain kami. Ano namang iniisip nito? Dinig ko rin ang sunod sunod na malalalim niyang buntong hininga.
"Lalim nun Shiela ah. May problema ba?" tanong ko sa kanya. Sanay na si ate sa tawag ko sa kanya at sa ugali ko na rin. Lahat ng galing sa bibig o kilos ko, depende sa mood. Kumbaga depende rin sa trip ko kung gusto ko siyang tawaging ate o Shiela na lang.
Napabuga siya ng hangin kaya binitawan ko ang mga kubyertos at humalipkip akong tumingin sa kanya. Ginaya niya din ang ginawa ko at seryoso akong tiningnan.
"Naniniwala ka ba sa Magic?"
Pfftt! Wth? Saglit akong natawa pero matalim akong tinitigan ni ate. "Naku ate, hindi noh! Although naa-amaze ako sa mga ginagawang tricks ng mga magician, sus. Bilis lang ng kamay nila yun!"
"Hindi yung ganung klaseng magic ang tinutukoy ko, Grave"
Naguluhan naman ako sa sinabi niya. May ibang klase pa pala ng magic? Ate sighed and continue eating after. Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy din ang pagkain. Nacurious tuloy ako kung anong klaseng magic ang tinutukoy niya.
NAKAHIGA na ako't lahat lahat, hindi pa rin mawala sa isip ko ang saad ni ate kanina. Anong klaseng magic kaya iyun? Asar naman! Bakit kasi hindi ko man lang natanong kung ano yun. Nagpagulong gulong na lang ako sa kama ko para mawala sa isip ko yun. Simpleng bagay lang naman yun pero lakas makagulo ng sistema ko.
Ilang beses na akong nagpaikot-ikot pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Marahas akong bumangon at binuksan ang bintana. Pagbukas ko pa lang, humampas sa mukha ko ang kurtina. Amp! Ano ba yan, kala ko magmo-moment na ako eh. Inis kong tinanggal ang kurtina pero natuod ako sa kinatatayuan ko.
Bigla akong pinanlamigan sa nakikita ko. Isang napakagandang babae na may napakahabang buhok, may suot na puting bestida ang nakalutang at nakatingin sa akin.
Waaaahhhhhhhhh!!!! What the--------- what The Helll!!!!
Gusto kong sumigaw pero parang natuyuan ako ng laway. Hindi ko maikurap ang mga mata ko habang nakatingin ako at ganun din siya sakin. Totoo ba to??
M-may Wh-white L-ladyy .. Wahhhh!!
Hanggang sigaw lang ako sa utak ko. Nanginginig ang tuhod ko pero hindi ako makaalis sa aking pwesto. Kinurap kurap ko ang mata ko at sa pagdilat ko, wala na ito. Shet! Totoo ba yun?
Mabilisan kong isinara at siniguradong naka-lock ang bintana ko. Agad akong nagtalukbong at halos hindi na huminga dahil sa takot ko. Nanlalamig pa ako dahil sa takot. In my 20 years of existence, ngayon lang nangyari sa akin to! Jusmiyo! May third eye na ba ako? Get a grip of yourself Grave! Hindi yun totoo. 21st century na kaya, may mga multo pa ba? Ahhh, basta!!
--
PUYAT ako! Yan ang masasabi ko sa lagay ko ngayon. Haystt! Nakaka ampp! Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa nakita ko. Pwede namang guni-guni ko lang yun, pero hindi. Sigurado akong white lady yun. Ghad!! Napabalikwas naman ako ng may maisip. White lady eh dapat nakatakip yung buhok nila sa mukha nila diba? Ay, ewan ko.
Napatingin ako sa wall clock at alas sais pa lang naman. Dibale alas otso pa naman yung pasok ko. Kahit 7:30 na ako pumasok. Tsaka, alam ko namang introduction lang karaniwan pag first day of school noh. Bumalik tuloy ako sa pagkakahiga at nagtalukbong.
"Oyy, Grave. Bangon na diyan at may pasok ka na"
Napasimangot ako ng marinig ko ang sigaw ni ate Shiela sa labas. Hindi ko siya sinagot. Ang aga-aga pa lang eh. Hindi ko siya sinagot pero pagkaraan ng ilang Segundo eh sunod sunod na katok ang narinig ko. Parang may balak gibain ang pintuan ko.
"Oy Grave! Isa, pag di ka pa bumangon riyan, lagot ka sakin"
Whatever!
ENNNNNGGGGGKKKKK!
Napabalikwas ako sa narinig at nanlaki ang mata ko sa nangyari. Natanggal yung sa may ewan ko dun--turnilyo ba yun. Yung nakakabit sa pintuan , diba dalawa yun. Natanggal yung isa kaya parang naka slanting na yung itsura ng pintuan ko.
Napatingin naman ako kay ate. Nakangisi siya habang nakasandal sa gilid ng pintuan ko. I rolled my eyes. Kahit kelan napaka-destructive nitong ate kong to. Di na ako magtataka pag lahat ng mahawakan niya, nababaklas.
"Gising na ba ang mahal naming prinsesa?" sarkastiko niyang tanong. Agad naman akong napaismid sa kanya.
"Fine. Give me 5 minutes more!" saad ko saka nagtalukbong ulit. Puyat na puyat ako eh! Bahala siya diyan mag-ayos ng sinira niyang pintuan ko, alam ko namang papalitan niya yun.
Tss. Siya pa ba? Mayaman yan eh.
"Sige. Pagbibigyan kita! Five minutes lang ha!" saka ko siya narinig na umalis.
"Grave!! Grabe! Alas syete na hindi ka pa rin nakapag-ayos! Akala ko ba five minutes lang? Anong oras na oh?" sigaw na naman ni Ate.
"Oh heto na! Atat lang Shiela? Baka gusto mo ikaw na pumasok?!" Sigaw ko pabalik na may halong sarkasmo.
"Pag di ka makapaghanda hanggang alas syete-kinse, sasamain ka sakin"
Hindi ko pa rin siya pinansin hanggang sa mapabalikwas ako ng may marinig akong lumagabog. Nanlalaki ang mata kong tumingin kay ate na nakangisi habang hawak hawak ang nabaklas ng seradura ng pintuan ko. Nakakainis! Yung pintuan ko, double killed!
"Baka gusto mong ibato ko pa sayo tong hawak ko?" nakataas kilay niyang tanong. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Pvnyeta ka naman ate oh. Pang anim mo nang pagsira ng pintuan ko yan ha!" sabi ko sa kanya habang kinukuha ang damit at towel ko.
Hindi naman niya ako pinansin at nagkibit balikat lang. Tumalima na lang ako at agad ginawa ng madalian ang routine ko. Nakakainis talaga siya. Impakta! Nadatnan ko siyang nakaupo na sa hapag kainan ng bumaba ako. Nakalambitin sa isang balikat ko ang backpack ko na ang tanging laman ay isang pad paper at dalawang ballpen.
"Oh, kain ka na. Papaayos ko na lang ulit maya yung pintuan mo kay Mang Reynaldo."
"Eh kasi naman ate, lagi na lang yung pintuan ko yung pinagdidiskitahan mo. Inggit ka ba?" inis kong saad sakanya pero sinamaan lang ako ng tingin.
"Bilisan mo na nga lang, Grave. Magpakabait ka doon ha. Wag makikipag-away. Keep away from any fights as possible." seryosong bilin sa kanya ng ate matapos kumain.
Napangiwi na lang ako at tumango. "Paano naman kapag hindi ko maiwasang makipag-away? Ang hirap kaya niyan. Di mo yata alam na kaakibat ng ganda ko, eh may away o gulo?" Sabi ko habang tinataas baba ang kilay.
Agad naman niyang tinaliman ang tingin sakin. "Malalagot ka sakin. Lalo na kapag nakipag-away ka ng walang dahilan, naku, kakalbuhin kita hanggang sa walang makitang kahit anong buhok sa katawan mo!" gigil niya.
"Ay grabe siya. Tss. Oo na, magpapakabait ako. Ano pa nga bang magagawa ko" sarkasmo kong saad sakanya.
"Ha! Siguraduhin mo lang Grave. Kilala mo naman ako bilang Shiela Castillo diba?"
"Yabang!"
Madali lang naman sigurong gawin yun noh? Ang 'wag makikipag-away at lumayo sa kahit anong gulo'
Tsk! Parang yun lang. Napakadaling gawin noh. Haystt. Kesa naman yung makalbo ako? Ay wag na lang. Hindi nagbibiro si ate Shiela eh, talagang gagawin nun kung anong sinabi. Uhmnft!
-----
Vote and comment. ♥