Chapter 67: Gabi

3926 Words

Gabing-gabi, hinihintay ko si Martin na makauwi sa kubo. Hindi ko na alam kung ano'ng oras na iyon basta ang alam ko sobrang lalim na talaga ng gabi. Hindi pa rin siya umuuwi. Nakakaramdam ako ng takot bagama't hindi naman ito ang normal niyang uwian. Hinaplos ko ang dalawang braso nang makaramdam ng pagtaas ng balahibo. Natatakot na ako. Halo-halong emosyon ang nanalatay sa aking katawan sa pag alala kay Martin kung na saan na siya ngayon. Ang paalam niya sa akin pupunta na naman siya ng bayan para maghanap ng trabaho. Pero bakit sobrang lalim na ng gabi, wala pa rin siya? Naglabas ako ng hininga para kumalma ang pagtibok ng puso ko. Nilagyan ko ng unan ang likuran at sinandal ko ang sarili sa dingding. Kaharap ko ang pintuan. Naghihintay sa pagkatok ni Martin. Hirap akong makatulog ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD