"Ibig sabihin pamangkin ka ni Mang Cardo?" tanong ni Terrence. Hindi siya makapaniwala. Related pala ito sa care taker niya. Hindi niya napagtanto na pareho pala ang mga ito ng apelyido. Hindi niya agad naisip iyon. All this time ay wala siyang kaide-ideya. Wala ring binabanggit si Uela sa kanya. "Bakit may problema ba ro'n?" "Bakit 'di mo sinabi agad?" "Baka kasi hindi mo rin ako paniwalaan. Ang totoo niyan ako ang nakiusap kay Tiyo Cardo na sumama sa kanya rito. Kailangan ko lang talaga ng lugar na tahimik, walang istorbo at makakapag-sulat ako. 'Yon lang. Pasensya ka na. Hindi na nakapagpaalam pa sa 'yo. Ang sabi naman kasi ni Tiyo wala ka naman daw dito at nasa ibang bansa kaya pumayag siya." Seryoso lang si Terrence sa pakikinig sa paliwanag niya. Naiintindihin naman niya. Ang

