Naglalakad na si Uela. Hindi niya alam kung sa'n siya pupunta. Kanina pa niya kinokontak ang Tiyo Cardo niya pero out of coverage ito. Hihintayin na lamang niya ito sa malapit sa may pampang. Kung saan madali siyang makita. Malamang ay paparating na rin ito.
Nanghina siya bigla. Ang malas niya talaga. Paano pa siya makakapagsulat? Wala na siya sa mood. Wala na ring perfect na lugar para makapag-sulat siya. Nagulo pa ang utak niya sa nangyare kanina. Naalala na naman niya ang nakita. Para tuloy siyang nagkasala. Ang virgin pa ng mga mata niya para makakita no'n. 'Di pa siya ready pero wala na nakita na niya. Pinilit niyang kalimutan ang mga nakita at nangyare.
Naupo na lamang siya sa may buhanginan. Mag-aalas onse na pero wala pa rin ang tiyuhin niya. Ang sabi ng pinsan niya sa text ay tanghali raw ito darating pero hanggang ngayon wala pa rin. Paulit-ulit na niyang tinatawagan pero wala. Bigla yata nawala ang signal doon. Magda-dalawang oras na siyang andoon.
Napansin niya ulit ang yate na nakadaong sa may 'di kalayuan. Malamang ay sa lalaki nga iyon. Napaka-yaman nga talaga nito. Milyones din ang halaga ng yate na ganyan. Pero parang barya lang dito para magkaroon.
Eh, siya? Saka pa lang magkakapera kapag na-approved at pumasa na ang manuscript niya. Ilang libro pa ang isusulat niya bago magkaroon o baka hindi na nga. Baka hanggang tumanda na siya kakasulat ay wala pa rin. Kahit bumenta pa lahat ng gawa niya ay malabo siyang magkaroon ng ganyan. Hanggang pangarap na lamang siya.
Mataas na ang sikat ng araw pero ni anino ng bangka o ng tiyuhin niya ay hindi pa niya natatanaw. Hindi niya alam kung darating pa ba ito. Baka siguro iniisip nitong okay lang siya at nagsusulat. Pero kaawa-awa ang lagay niya. Para siyang asong pinalayas ng bahay.
Nagugutom na siya. Ni hindi man lang siya nakakain at nakapag-kape kanina. Nag-aalala na talaga siya. Kailangan na niyang makaalis do'n. Mukhang hindi pa naman nagbibiro ang lalaki sa banta nito kanina sa kanya. Sinubukan niya uling tawagan ang tiyuhin niya.
"Why are you still here? 'Di ba pinapaalis na kita?" anang tinig na nagpatigil sa pag-dial ni Uela.
Si Terrence na nakabihis na at bagong ligo. Nakapamewang itong nakatunghay sa kanya. Hindi niya napansin na nakalapit na pala ito.
"Hinihintay ko lang ang sundo ko," sagot niya at tinignan ito. Mas pogi na ito ngayon. At halatang mamahalin at branded ang suot nitong hawaian shirt at board short. Napadako na naman ang tingin niya sa short nito na may naka-umbok. Bigla siyang nahiya kaya agad niyang iniwas ang tingin doon.
"Miss, wala akong idea kung bakit at paano ka nakarating dito. Hindi ko rin alam kung anong sadya mo. Mukhang mali yata ang napuntahan mong isla," aniya.
"Baka nga. Mukhang mali nga yata," nasaad na lang niya.
"I'm warning you. Meron kang hanggang mamayang hapon para umalis dito. 'Pag wala pa rin 'yang sundo mo. Umpisahan mo nang lumangoy." At sabay na umalis.
Lumusong ito sa tubig at naglakad sa mababaw na bahagi. Medyo low tide at kaya naman lakarin papunta doon sa yate. Umakyat siya para kunin ang mga supplies niyang nakalimutan bitbitin kagabi. Pagkakuha ay tuluyang na itong bumalik sa beach house. Ni hindi na siya nito tinapunan ng tingin.
Alas tres na ng hapon. Sumilong na siya sa may puno ng niyog dahil medyo mainit na kanina do'n sa pwesto niya. Pero wala pa ring Tiyo Cardo na dumating. Kinain na niya ang mga baon niyang chichirya para maibsan ang gutom niya. Hindi niya pa rin ito makontak. Halos mapudpod na ang daliri niya sa kaka-dial. 40% na lang din ang battery niya sa phone.
Nawawalan na siya ng pag-asa. Parang gusto na niyang umiyak. Malapit na ang oras niya na sinabi nito. Kailangan na niyang makaalis bago dumating iyon. Kung hindi ay makukulong siya ng wala sa oras. Wala pa siyang records sa NBI at wala siyang balak na magkaroon. Pahirapan pa naman kumuha 'pag may derogatory records na.
Ano bang kamalasan ang pinagdadaanan niya? Na-pending na ang pagsusulat niya. Ni hindi na nadagadagan iyon ni isang salita. Nape-pressure na siya. Gulong-g**o na ang utak niya. Ang daming deadline at mababaliw na yata siya.
Mag-aalas-singko na nang hapon. Palubog na ang araw pero mukhang wala na talaga siyang aasahan. Ilang saglit na lamang ay tapos na ang palugit niya. Napakalayo ng kabilang isla para languyin niya. Langoy-aso lang ang alam niya. Hindi niya rin alam kung may mga pating sa tubig na pwede siyang kainin. Kawawa naman siya kapag nagkataon. She's losing hope.
Sa tagal niya na ando'n sa may pampang ay ni isa ay wala man lang naligaw na bangka para sana maki-sakay na lang siya at magpahatid doon sa Barcelona. Na-stuck na siya. Wala na siyang choice kundi magpalipas ng gabi roon. Expire na ang palugit niya. Hindi na siya pwedeng bumalik doon sa beach house kasi nga pinapalayas na siya rito sa isla. Dapat ay hindi na siya makita pa ng lalaki kung hindi ay sa kulungan talaga ang bagsak niya. O 'di kaya ay itapon na lamang siya sa gitna ng dagat 'pag tuluyang nagalit ito. Tresspaser nga kasi naman siya. Sino ba naman ang mag-aakalang dadating ito ng biglaan? Eh, ang sabi ng tiyuhin niya ay nasa ibang bansa raw ito
Lumipat siya ng pwesto. Padilim na at kailangan na niyang makahanap ng pwede niyang tulugan. Marami siyang nakitang patay na dahon ng niyog. Pinagkukuha niya iyon at pinagsama-sama saka pinagpuputol niya ang mga dulo niyon. Pagtitiyagaan niyang munang matulog doon kaysa wala. Para na siyang nasa reality tv show na Survivor. Matapos na masalansan ang dahon ng niyog ay inilabas niya ang blanket na dala niya at ginawang sapin. Saka 'yong backpack ang ginawa niyang unan. Medyo busog pa naman siya kaya hindi na siya kumain.
Tuluyan nang kumalat ang dilim. Ang flashlight ng phone niya ang ginawa niyang ilaw. Malapit na siyang ma-lowbat. Kailangan niyang tipirin iyon at gagamitin pa niya iyon para kontakin ang tiyuhin niya bukas.
Nakahiga na siya. Hindi siya komportable at medyo masakit sa likod ang sapin pero tinitiis niya. Mabuti na lang at maraming bituwin sa langit kahit paano ay nalilibang siya at nawawala ang mga inaalala niya. Ang ganda pagmasdan ng mga iyon. Isang falling star pa ang kanyang nahagip pero huli na niya iyon napansin. Sayang!
Pwede sana siyang mag-wish doon. Gano'n kasi ang paniniwala niya no'ng bata pa siya kahit hanggang ngayon ay nadala niya pa na kapag makakita raw ng falling star ay pwede raw mag-wish at matutupad iyon. Nag-connect din siya ng mga stars at ilang constellations ang nabuo niya. Nasa ganoon siyang tagpo ng may mapansin siyang ilaw ng flashlight mula sa 'di kalayuan. Mukhang galing iyon sa bahay at malamang ang lalaki iyon. Napansin niyang umakyat ulit ito ng yate at parang may kinuha. Halos pigil hininga siya na 'wag siyang makagawa ng ingay para hindi siya mapansin nito. Malamang ay iniisip nito na nakaalis na siya.
Pogi sana siya pero may pagka-arogante nga lang. Ni hindi man lang ito naawa sa kanya. Ni hindi man lang siya binigyan ng konsiderasyon at babae pa naman siya. Kung makapag-paalis ito ay para lang siya langaw na dumapo tapos binugaw. Pinilit na lamang niyang kalmahin ang sarili. Titiisin na lamang niya ang sitwasyon niya. Dapat bukas ng umaga ay makaalis na siya. Sayang ang oras niya. Imbes na nagsusulat siya ayon at nasa parang camping na siya lang mag-isa.
Kanina pa siya pabaling-baling ng higa. Hindi siya makatulog. Pinakikiramdaman niya ang paligid. Hindi niya alam kung safe nga ba siya sa pwesto niya. Nasa labas siya at 'di niya sigurado kung may mga mababangis na hayop, ahas na gumagapang o kung anong masamang elemento ang andoon. Binalot siya ng takot. Parang gusto niyang maiyak. Nasa panganib siya na hindi niya alam ang kalaban. Pakiramdam niya pa ay parang may gumagapang at kumakagat sa katawan niya. Kanina pa siya kamot ng kamot. Napabangon siya para tignan ang dami niyang pantal. Namula na iyon. Isang kaluskos ang narinig niya na parang paparating sa kinaroroonan niya dahilan para magmadali siya na bitbitin ang mga gamit niya. Hindi niya alam kung ano iyon. Naging alerto siya at agad na tumakbo sa sobrang takot.