Chapter Twenty

1452 Words

Masaya ang gising ni Uela. Natapos na na niya ang sinusulat niya. Halos madaling araw na siya natulog dahil tinapos na niya talaga. Na-isend na rin niya ang manuscript niya. Finally makakapag-relax na siya. Nawala ang isa sa mga pinoproblema niya. Hindi siya natulog sa kwarto. Sa sala siya nagtuloy after niyang lumabas kagabi ng ma-badtrip na naman siya kay Terrence. Doon na rin siya nahiga at naidlip. Dilat na ang kanyang mga mata pero tinatamad pa siyang bumangon. Nasa mood siya today at gusto niyang sulitin na humilata. Wala na siyang gagawin pa. Gusto niya munang mag-break sa pagsusulat kahit ngayong araw lang. Tatlong araw din yata siyang walang tigil sa pagsusulat para lang matapos ang trabaho niyang may hinahabol na deadline. Tatlong araw din siyang puyat kaya babawi siya ngayon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD