Chapter 38 Aika's POV: "Ano bang ginawa mo at namamaga iyang kamay mo?" Kasalukuyan 'kong ginagamot ang kamao ni Night na halatang may binugbog ito. Hindi ako nag aalala sa kamay ni Night dahil hindi naman ganoon kalala ang pamamaga nito, mas nag aalala ako sa kung sino mang sinuntok niya. Sigurado kasi na puno ng pasa ang mukha niya sa lakas ng suntok ni Night. "May sparring kagabi." "Wow, hindi na ako bata para maniwala sa dahilan mo." "Huwag mo ng isipin, ok lang naman ako. Ikaw ba? Ok ka na?" Agad naman akong ngumiti ng pilit kay Night. "Honestly, hindi pa pero gumagaan na ang pakiramdam 'ko. Siguro natutunan 'ko na lang din tanggapin ang mga nangyari." "Good, tumawag pala si Light. May ni refer siyang Doctor." Napatango ako sa sinabi ni Night. Sabi 'ko sa kaniya na gusto '

