Chapter 25 Rye's POV: "Iba na ang iyong ngiti, nag bago na ang lahat sa'yo oohhh ohhhh~" "Tumahimik ka nga Range ang sakit mo sa tainga." Singhal ni Kei kay Range na kanina pa kumakanta at parang baliw na iwiniwilig ang ulo habang nag kakabit ng kurtina. "Ano bang paki mo? Isa pa hindi panget boses 'ko, mas panget ka pa nga eh. Tignan mo ang taba mo na hahaha." Pambabara naman ni Range kay Kei. Hindi na sila na uubusan ng pang aasar sa isa't isa kaya hinayaan 'ko na lang sila. Isa pa, abala ako sa pag d-decorate ng buong kwarto. Bukas kasi Anniversary na namin ni Aika kaya gusto 'ko gawin iyong special. Nag patulong nga lang ako sa kanila na ayusan ang kwarto ni Ai kaso panay naman sila asaran. "Hindi ako mataba! Sabi ni Xav, sexy ako SEXY! OK SEXY!" Gigil na gigil na sabi ni Kei n

