Chapter 29 Rye's POV: "Ang aga mo atang nakagayak ngayon?" Untag ni manang sa akin habang inilalapag niya ang pan cake sa lamesa. Nakangiti naman akong kumuha ng isa at bago humigop ng kape. "Pupunta kami ni Aika sa Baguio. Plano kasi namin na mag sky ranch pagkatapos ng birthday 'ko." Kahit naman sobrang busy ako sa trabaho, hindi 'ko makakalimutan na may girlfriend ako at bilang isang boyfriend trabaho 'ko na tuparin ang lahat ng pangako 'ko sa kaniya. "Owww, kaya naman pala hindi ma alis ang ngiti sa labi mo." Nakangiting sabi ni manang na lalong kinalapad ng mga ngiti 'ko. Masaya ako na nag kausap kami ni Aika kahapon at masaya ako na ok kami kahit pa ang totoo ay hindi magiging madali ang set up para sa aming dalawa ng dahil sa pag babalik ni Ayen. "Anong plano niyo ngayon?

