Alira
PINILI ni Joeven at ng kanyang kaibigan na si Gerald na sumama na lang sa outing nina Alira. Dahil pahinga naman nila sa pag-tretraning sa barko ngayon at para na rin hindi niya muna magambala si Mica na may interview ngayon, nalaman niya iyon ng tumawag siya kaninang umaga sa asawa kaya para naman may magawa siya ay sumama na lang sila para naman makapagpahinga na rin at makapag-relaks matapos ang mahirap nilang pagsusulit sa exam.
Pinili ni Alira ang beach para sa outing nilang magkakaklase, kasama na sina Gerald at ang crush niyang si Joeven na tinanggap naman ng magkaibigan. Pagkakataon na niya ito para mapalapit sa lalaki, kahit alam naman niya na may asawa na ito ay hindi naging hadlang iyon para hindi niya ito magustuhan.
Sinabi ko sa dalawang magkaibigan na ito ay outing para sa paaralan, ngunit ito ay purong kasinungalingan lamang. Gusto ko lamang mapalapit sa kanya at makagawa ng paraan para mapansin din niya ako.
Naglalakad kami papunta sa dagat, umupo ako sa buhanginan, tumabi din siya sa akin at umupo siya sa tabi ko. Nilalaro ko ang bungahin nang hindi nagsabi ng anumang salita sa kanya, hinihintay ko siyang magbukas ng topic. Ngunit mag sasampung minuto na ay wala pa rin silang imikan.
“Sabi mo may sasabihin ka tungkol sa subject natin,” sa wakas ay nagsalita din siya ngunit patanong lang tungkol sa pag-aaral.
Tinitigan ko siya at ngumiti sa kanya.
“Hindi, sinabi ko lang sayo iyon para sumama ka sa akin, pero bilang kasiyahan lang natin walang involve na topic tungkol sa subject natin. Pasensya na kung nagsinungaling ako, gusto ko lang magtanong sa iyo ng ilang mga katanungan, para magkakilala tayo ng lubusan.” Sabi ko dito at nanalangin na sana'y huwag siyang madisappoint sa akin dahil sa pagsisinungaling ko.
Tumango siya at tumingin siya na nagsasabing sige tanong lang. Huminga ako ng malalim bago nag tanong sa kanya,
“Hindi ko alam kung paano ko sisimulan!” sabi ko, na nahihiyang tumingin sa kanya.
He smile and he said to me, “Common, ’wag ka ng mahiya sa akin.” Sabi naman nito na.
“Hindi naman, gusto ko lang sana itanong kung pwede ba tayong maging kaibigan, kahit alam mo namang may gusto ako sayo, but I know na may asawa kana kaya. . .” tumikhim muna ako bago ko ipinagpatuloy ang pagsasalita. “Can we friends?” sa wakas nasabi ko na kahit medyo nasasaktan ako na kaibigan lang ang maibibigay niya sa akin.
Tumahimik siya saglit bago ito nagsalita “Mabait ka na naman, pero may asawa na ako kaya ayaw kita masaktan. Pero dahil ngayon hinihiling mo na maging magkaibigan na lang tayo, sige maibibigay ko iyon sayo, pero hanggang doon na lang ’yon,” anito kaya medyo nalungkot ako ngunit wala akong magagawa, atleast magkaibigan na kami, may pagkakataon na akong mapalapit siya sa akin at doon ko gagawin ang lahat para magkagusto din siya sa akin, no matter what happen. Marami namang magkarelasyon na naghihiwalay pa rin kahit gaano katagal. Kaya naniniwala akong may pagkakataon pa.
Napangiti ako sa ideang iyon, habang nakangiting nakikipagkamay kay Joeven,
‘Ang mahal kong si Joeven,’
Mica
“I GUESS, nakilala muna ako, tulad ng nakilala na rin kita, obvious naman na nasa requirement ang picture mo kaya lang I need to see, para makumpirma kong ikaw nga iyon.” Ang kanyang panlalaki na boses ay nag-echo sa buong opisina kaya natauhan ako sa pagkatulala ng makita kong ito ang may ari ng kompanyang inaaplayan ko.
“Yes, nakilala kita, ngunit nandito ako para sa trabaho, pero kung ’di mo ako tatanggapin, dahil sa pagsusungit ko sayo noong nakaraang gabi ay okay lang, maghahanap na lang ako nang ibang maaaplayan.” Sagot ko dito na taas noo.
“Nandito ka para sa trabaho, huh, pero pinangungunahan muna agad ako, na baka ’di kita tanggapin, Ganyan ka ba talaga?” tanong niya sa akin na ikinasingit ng mata ko.
"Oo, gusto kong magtrabaho, pero dahil sa nangyari noon ay baka kako nakilala mo ko, at hindi mo ako tanggapin, kaya mas mabuti ng ganon ang iniisip ko, para ’di na ako umasa ’diba?” sagot ko pa na hindi nakangiti, ngunit nagulat ako ng humalakhak siya habang pumapalakpak.
“Miss, Arogante, Iba ka talaga, ngayon lang ako nakaincounter ng tulad mo, gustong magtrabaho, pero okay lang kahit ’di ka matanggap,” Anito, na may kasamang amusement ang tunog ng pananalita nito. s**t! Dahil lang sa naghahanap ako ng trabaho ay ang lakas niyang tawagin akong miss arogante, hindi niya naiisip na siya ang mas arogante sa aming dalawa.
“At saka hindi Miss. Arogante ang pangalan ko, I’m Mica Isabella De..... Borromeo.” Sambit ko dito ’di ko na itinuloy ang De Ocampo dahil kasal na pala ako kaya Borromeo na ko.
“’Di ba De Ocampo ang apelyido mo bakit may Borromeo ka sa hulihan? Well, sigurado ako na ang tatay mo ang matandang dukhang De Ocampo at hindi ang iniisip ko!” sabi naman nito at pinasadahan ako ng tingin na parang kinikilatis ako.
“Borromeo dahil kasal na ako, at tama ka hindi mayaman ang tatay ko ibang De Ocampo ang iniisip mo.” Pagtatama ko dito,
“Pumunta ako dito upang mag-apply kaya kung hindi mo ako tatanggapin ay okay lang sabihin mo na para makaalis na ako at makapag-hanap pa ako ng ibang maaaplayan.” Sabi ko ulit dito dahil na uubos lang ang oras naming pareho dahil sa walang kakwenta-kwentang usapan namin.
MATAGAL ko siyang tinitigan, gusto ko ang kanyang tiwala sa sarili at personalidad, na disappoint lang ako nang malaman kung kasal na pala siya at kailangan ko ng manggagawa na ganyan.
Hindi ko iniisip kung siya ay edukado or hindi ang mahalaga sa akin ay masipag at makakatiwalaan.
May plano ako sa kanya at tama lang ang character niya, sa tingin ko at basi na rin sa mga requirement niya ay hindi siya pumipili ng trabaho dahil nakalagay dito ay anything.
Kaya tinawagan ko ang aking P.A upang ipaalam sa kanya na paalisin na ang iba pa dahil nakakuha na ako ng tamang tao sa job na ihahire ko. Binalingan ko na siya ng tingin matapos kong ibaba ang telepono.
"Okay your hired you can start tomorrow,” nang sabihin ko ito ay ngumiti ito ng malapad at medyo lumakas ang kanyang pagkakasabi ng “Yes!” nito.
“Hey, who allowed you to overreact in my office?” Tanong ko pero hindi naman ako galit natuwa pa nga ako dito dahil wala talaga itong pakialam at sasabihin nito ang tunay na nararamdaman kaya ko ito nagustuhan.
“Sorry, masaya lang ako, kahit ganyan ka pala propesyonal ka rin naman pala,” Aniya, habang nakangiti. Humihingi siya ng paumanhin din sa akin matapos ang pag-uusap namin ng tanggapin ko ito sa trabaho.
“Ganyan ka ba humihingi ng tawad sa boss mo?” tanong ko at tiningnan niya ako ng nalilito.
“Kumusta naman ang salitang sir parang nawala na?” Tanong ko pa dito.
“Okay Sir, Sorry sir!” ulit niya na seryoso na.
“Okay, your forgiveness. Makakapag-umpisa ka na bukas at isang paalala ayaw ko ng na li-late sa pagpasok sa trabaho. And don’t forget or else, papalitan kita agad.” Aniko na aamuse na ulit ako sa kanya, binibiro ko lamang siya kanina ngunit sineryoso naman nito.
SAMANTALANG. May pakiramdam ako sa kanya na sinusubukan kong alamin, pero hindi ko maipaliwanag kung ano iyon. Ayaw kong aminin sa aking damdamin na nagugustuhan ko na si Alira sa mga nakalipas na araw, nahihiwagaan lang ako sa kanyang personalidad. Mahal ko ang asawa ko kaya imposibleng may damdamin ako kay Alira kahit na maganda ito, at mabait sa akin at sa aking kaibigan. Ay dapat ko itong pigilan itong nararamdaman ko sa kanya.
Si Mica lang dapat ang palagi kong iisipin, pati na ang adhikain kong mapabilib at patunayan na mali ang kanyang ama sa pagkakakilala sa akin. Tumayo na ako at niyaya ko na siyang puntahan na namin sina Gerald na busy sa pagkain na mga dala namin, inabot ko ang aking mga kamay kay Alira upang tulungan siyang tumayo.
Ngunit napalakas yata ang aking paghila sa kanya upang maging sanhi ng pagka-outbalance naming pareho, kaya napahiga kami sa buhanginan. At para hindi ko ito madaganan ay mabilis kong ipinagpalit ang aming mga puwesto. Ngunit hindi sinasadyang naglapat ang aming mga labi na ikinatulala naming pareho.