Jelaica's point of view... Araw ngayon ng sabado, kaya naman maaga akong nagising para ayusin nanaman ang mga dadalhing gamit ni Sir Zyller para sa shooting. Matapos ang nangyari no'ng nakaraang araw ay hindi na ako kinausap pa ni Sir Zyller, kahit si Sir Vlad ay hindi na rin nagpaparamdam sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan ang manlumo dahil pakiramdam ko ay iniiwasan niya ako. "Hmm nakakainis, ano na nga kaya ang nangyayari sa lalaking 'yun, ni hindi man lang siya nagpapakita sa akin," nayayamot na sabi ko sa aking isip. "Oh, Jelaica, bakit ang lalim yata ng iniisip mo?" Nabaling ang atensiyon ko kay Ma'am Daisy no'ng magsalita ito. "Ah w-wala po, Ma'am," sagot ko naman agad. "Ah gano'n ba." Tinignan niya ang wrist watch niya at, "Ang tagal naman ni Zyller, ano bang ginagawa niya," na

