Jelaica's point of view... ************ Habang nakahiga ako sa kama ko ay may isang tao este multo ang basta-basta na lamang pumapasok sa isipan ko ng wala man lang pasabi. "Sir Vlad," tanging nasambit ko, umaasang maririnig niya ang pagtawag ko. Nitong mga nakaraang araw kasi ay feeling ko lagi na lang may kulang. "Baka naman kasi iniwan kana niya, Jelai, naku naku talaga!" Napatampal na lang ako sa noo ko dahil parang nababaliw na yata ako, lagi ko nang kinakausap 'yung sarili ko, hays bored na bored pa ako. Maghapun lang kasi akong nandito sa loob ng bahay na ito at gano'n din naman si Sir Zyller at Ma'am Daisy. Nagsama-sama lang kami kanina no'ng maghahapunan na at pagkatapos naming kumain ng hapunan ay bumalik na rin kaagad sila sa kanya-kanya nilang mga kwarto, kaya maging ako

