"What are you thinking, Quinny?" Nabalik siya sa realidad nang magsalita si Pierce sa tabi niya. Naghihintay sila sa signal ng isa sa mga tauhan nito dahil ito ang naatasang magdistract sa mga guwardiya sa labas ng kwarto kung saan sila papunta. "A lot," She heaved a sigh and stared at the stone ceiling. Nasa passage sila na dinaanan rin nila noon. Hindi niya mapigilang isipin ang nangyari sa buhay niya. She ran away from home out of curiosity and somehow, fate was on her side because the rebels attacked the palace in search for her. Nang dahil sa lintik na will and testament ng mga ninuno niya, napasubo ang pamilya niya. She somehow blamed her grandpa for it. How can he disregard that will signed by their ancestors? Hindi sana maninirahan si Exene nang mag isa at malayo sa kanila. She

