RION Hindi naman madaling maging Dominant Omega at iba-iba ang pananaw nang tao tungkol sa ‘min. Depende ‘yon sa kung ano ang makikita nila sa ‘min. Bago ako maging sikat na artista ay basura lang ako na kung kani-kanino kumakapit para mabuhay. Ginagamit nila ang katawan ko at ginagamit ko rin sila para makatungtong sa kinalalagyan ko ngayon. Maraming nagbibigay nang motibo sa ‘kin na may matataas na katungkulan at kayamanan. Maging ang mga may asawa na ay hindi maiwasang bigyang atensiyon ako. Lumaki akong takot na takot pero nang masanay ako sa kalakaran ay siniguro kong magiging kaakit-akit ako sa lahat. Ilang lalaki na ang nagdaan sa ‘kin at lahat sila ay may nakuha naman ako. Mga lalaking ‘di makuntento sa kanilang kapareha at handang magsayang para lang sa isang gabing makatik

